33 opisyal ng PS-DBM at DOH sa anomalya sa Pharmally sinuspende ng Ombudsman

NINA MJ SULLIVAN at NOEL ABUEL

Sinuspende ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan ang 33 opisyal ng pamahalan na isinasangkot sa umano’y kurapsyon sa kontrobersyal na COVID-19 pandemic supplies noong 2020 at 2021.

Kasama sa mga sinuspende ng anti-graft court si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong, dating Department of Budget and Management- Procurement Service (PS-DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao.

Gayundin ang iba pang opisyal ng PS-DBM na sina Christine Marie Suntay, Fatimah Amsrha Penaflor, Joshua Laure, Earvin Jay I Alparaque, Julius Santos, Paul Jasper De Guzman, Dickson Panti, Karen Anne Requintina, Rodevie Cruz, Webster Laureñana, Sharon Baile, Gerelyn Vergara, Abelardo Gonzales, Jez Charlemagne Arago, Nicole John Cabueños, Ray-ann Sorilla, Chamel Fiji Melo, Allan Raul Catalan, Mervin Ian Tanquintic, Jorge Mendoza III, Jasonmer Uayan at August Ylangan.

Habang kasama rin sa sinuspende ng OMB ang mga opisyales ng Department of Health (DOH) na sina Nestor Santiago, Jr., Crispinita Valdez, Amado Tandoc, Lei Lanna Dancel, Dave Tangcalagan, Jhobert Bernal, Kenneth Aristotle Punzalan, Rose Marasigan  at Maria Carmela Reyes.

“After a careful evaluation of the records, this Office finds compelling reasons to place the respondents under preventive suspension pending investigation of the instant case. The overwhelming documentary proof shows that respondents’ evidence of guilt is strong,” sa order na inilabas ni Ombudsman Samuel Martires

Base sa Ombudsman, ang kaso laban sa nasabing mga indibiduwal ay grave misconduct, gross neglect of duty, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

“The gravity of these offenses coupled with the seriousness of their participation would warrant removal from the service,” sabi pa ng OMB.

Ang suspension order ay nagmula sa reklamong inihain nina Senador Risa Hontiveros at dating Senador  Richard Gordon, na dating chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, laban kina Lao, Liong at iba pang opisyal ng PS-DBM at DOH sa Ombudsman.

Ang kasong administratibo ay nag-ugat sa tatlong pagbili ng RT-PCR tests na ginawa ang dalawa noong Abril at Hunyo noong 2020 na nagkakahalaga ng P4.1 bilyon.

At noong 2021, nailipat ang P42 bilyon COVID-19 funds mula sa DOH patungong PS-DBM.

Kasama dito ang P8.6 bilyon na ginamit ng PS-DBM sa pagbili ng face masks, face shields, at personal protective equipment (PPEs) mula sa Pharmally Pharmaceuticals Corp., na natuklasang mayroon lamang P625,000 in paid-up capital nang pumasok sa transaksyon sa gobyerno.

Inirekomenda ni Gordon ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa ilang  government officials at indibiduwal mula sa Pharmally subalit maraming senador ang hindi lumagda sa nasabing committee report.

Nagpasalamat naman ni Hontiveros sa Ombudsman sa naging desisyon nito laban sa mga sangkot sa anomalya.

“Nagpapasalamat tayo sa Ombudsman sa pagiging tapat nito sa mandato na papanagutin ang mga gumagawa ng masama at labag sa batas. Umaasa ako na uungkatin din sa imbestigasyon ang mga utak sa likod ng modus na ito, at hindi lamang ang hamak na empleyado at mga mid-level officials. Bagama’t COVID-19 test kits lang ang saklaw ng Ombudsman order, inaasahan din namin na magbubukas ng imbestigasyon sa isyu ng PPE at iba pang overpriced procurements. Sigurado ako na makikita natin ang bigger picture sa special audit ng COA. Anumang ill-gotten profit mula sa pera ng taumbayan ay dapat likumin at ibalik sa gobyerno kung saan ito nararapat,” pahayag pa ng senador.

Sinabi naman ni Senador Win Gatchalian, isa sa mga senador na hindi lumagda sa rekomendasyon ng Blue Ribbon Committee report ay dahil sa hindi ito kumbinsido na kasama sa kakasuhan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit kung ang tanging ang rekomendasyon lamang aniya ay ang mga opisyal ng Pharmally ay maaaring lumagda ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s