
NI NOEL ABUEL
Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagdaragdag na buwis sa mga alak at sigarilyo para magamit sa Universal Health Care (UHC) at maipakalat ang mabuting pamumuhay partikular ng mga kabataan.
Ayon kay AnaKalusugan party list Rep. Ray Reyes, malaking tulong ang pagpapataw ng mas mataas ng buwis sa mga sin tax products upang mabawasan ang pagkonsumo ng mga ito.
“Studies have shown that Sin Tax is working lalo na sa ating mga kabataan. Through this measure, we help millions of Filipinos from acquiring preventable diseases – especially tobacco-related illnesses,” sabi ni Reyes.
Sinasabing sa pag-aaral na ginawa ng University of the Philippines Population Institute (UPPI), ipinakikita na nabawasan ang pagkonsumo sa alak, sigarilyo, at vape sa mga kabataan dahil sa mataas na presyo ng mga sin products.
Ipinakita rin aniya sa Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS) na ang pagsisigarilyo ng mga kabataang nasa 15-anyos hanggang 24-anyos ay bumaba ng 22 porsiyento noong 1994 mula sa 12 porsiyento noong 2021.
Sinabi pa ni Reyes na ang pagpapataw ng dagdag sa buwis sa sigarilyo, alak at iba pang sin products ay makakatulong para mapondohan ang UHC at mabigyan ang mga Filipino ng maayos na kalidad at murang health care services.
“We are still one of the countries with lowest sin taxes and there is still more work to be done for us to get within the WHO standards of Universal Health Care,” sabi ng kongresista.
Idinagdag pa ni Reyes na pinag-aaralan na rin na dagdadagan ang buwis sa mga vape products at sugary drinks.
“Vape products are usually branded as a ‘safer’ alternative to cigarettes. This is misleading because they still cause harm to the body. Excess intake of sugar meanwhile can lead to obesity which continues its uptrend in the country. According to DOH, more than 30 percent of Filipino adolescents are projected to be overweight and obese by 2030 if no action is taken,” sabi ni Reyes.
