
NI MJ SULLIVAN
Muling nakaranas ng paglindol ang lalawigan ng Cagayan at ang Davao Oriental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos ng Phivolcs, ganap na alas-12:40 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.7 na lindol sa layong 051 km hilagang kanluran ng Dalupiri Island, sa bayan ng Calayan, Cagayan.
May lalim itong 015 km at tectonic ang origin.
Samantala, dakong alas-3:05 ng madaling-araw nang maramdaman ang magnitude 3.1 sa Davao Oriental.
Nakita ang sentro nito sa layong 123 km timog silangan ng Governor Generoso, ng nasabing lalawigan at may lalim na 113 km at tectonic ang orgin.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing magkahiwalay na paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.