Davao Occidental inuga rin

NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkasunod na paglindol ang lalawigan ng Abra gayundin ang Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Philvolcs, dakong alas-8:38 kagabi nang unang maitala ang magnitude 4.9 sa Richer scale sa 004 km hilagang kanluran ng San Isidro, Abra at may lalim na 012 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity V sa Bucay, Abra habang intensity IV sa Bangued, Bucloc, Dolores, La Paz, Lacub, Lagangilang, Lagayan, Luba, Malibcong, Pidigan, Pilar, San Isidro, San Quintin, Tayum, Tineg, Tubo, at Villaviciosa, Abra; Besao, Sadanga, at Sagada, sa Mountain Province; Banayoyo, Burgos, Galimuyod, Lidlidda, Nagbukel, Narvacan, Quirino, San Emilio, San Esteban, Santa, Sigay, Sugpon, at sa syudad ng Vigan, Ilocos Sur.
Samantala, naramdaman din ang iintensity III sa Licuan-Baay, Abra; Atok, Bakun, Buguias, at Mankayan, Benguet; Bauko, at Tadian, Mountain Province; Bantay, sa lungsod ng Candon, Caoayan, San Vicente, Santa Catalina, at Santiago, Ilocos Sur.
Intensity II sa lungsod ng Baguio; Itogon, Kapangan, at Kibungan, Benguet; lungsod ng Batac, Ilocos Norte; Cabugao, Magsingal, San Ildefonso, San Juan, Santa Cruz, Santa Lucia, Sinait, at Tagudin, Ilocos Sur habang intensity I sa Paoay, Ilocos Norte.
Ayon naman sa instrumental intensities, naitala ang intensity IV sa Bangued, Abra; City of Vigan, Ilocos Sur; intensity III sa Narvacan, Ilocos Sur; Intensity II sa sa lungsod ng Candon, at Sinait, Ilocos Sur at Intensity I sa lungsod ng Batac, at Pasuquin, Ilocos Norte; Peñablanca, Cagayan.
Nasundan ang nasabing lindol kaninang alas-5:35 ng madaling-araw sa lakas na magnitude 4.7 sa layong 001 km timog kanluran ng San Isidro, Abra at may lalim na 005 at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity IV sa Bucay, Pilar, Villaviciosa, Peñarrubia, San Isidro, Bangued, Bucloc, Manabo, Pidigan, Langiden at Boliney, Abra; Galimuyod, Santa, Gregorio del Pilar, Bantay, Burgos, San Emilio, Sigay, lungsod ng Vigan, Lidlidda, at Suyo, Ilocos Sur; Sagada, Sadanga, at Besao, Mountain Province.
Intensity III sa San Esteban, San Vicente, Santa Maria, Santiago, San Ildefonso, Caoayan, Santa Catalina, Santo Domingo at Santa Lucia, Ilocos Sur; Lacub, Tayum, San Quintin, Tineg, at Dolores, Abra; intensity II sa Sinait, Cabugao, Magsingal, at San Juan, Ilocos Sur
Samantala, alas-8:44 ngayong umaga nang maitala ang magnitude 4.2 na lindol sa 057 km timog silangan ng Sarangani Island, sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 25 km at tectonic ang origin.
Isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa kung may mga naging danyos ang nasabing dalawang paglindol kung saan nag-abiso rin ang Phivolcs na asahan ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga darating na araw.