Bagong government center building sa Meycauayan City, Bulacan natapos na ng DPWH

default

NI NERIO AGUAS

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na nito ang ginagawang apat na palapag na multi-purpose building (MPB) na magsisilbing community-based government center ng pamahalaang panlungsod ng Meycauayan, Bulacan

Sa ulat ni DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang konstrusyon ng nasabing MPB ay matatagpuan sa  Barangay Saluysoy sa Meycauayan City na nakumpleto nang naisaayos ng DPWH Bulacan Second District Engineering Office (DEO).

Sinasabing ang bagong tayong government center ay mayroong isang elevator na magagamit ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan at ng mga residenteng bibisita sa mga local offices ng national government agencies na ookupa sa nasabing gusali.

Maliban dito, mayroon ding chapel na inilagay sa loob ng gusali na magagamit sa mgaa religious activities o ng private devotion.

Binanggit pa ni Tolentino, na dahil sa pagtatapos sa proyektong government center ay magagamit sa mga government-related transactions at iba pang social services hindi lamang sa mga residente ng Barangay Saluysoy kung hindi maging sa mga kalapit na barangay nito.

Ang nasabing proyekto ay pinaglaanan ng P28.66 milyon sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA).

Leave a comment