
Ni NOEL ABUEL
Barbers
Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sabPhilippine National Police (PNP) na bilisan ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa kaso ng isang PNP intelligence officer na inaresto at idinadawit sa pag-imbak ng halos isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon noong Oktubre noong nakaraang taon sa Maynila.
Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na dapat hanapin ang mga financiers ni Sgt. Rodolfo Mayo Jr. dahil sa hindi umano magagawa nito ang sarili illegal activities nito.
“The current investigations being conducted by a PNP special investigation task group (SITG) created for the purpose have not come out with any substantial evidence or leads on Mayo’s case six months after he was arrested,” sabi ng kongresista.
“Why is it that said PNP SITG is foot-dragging or dilly-dallying on their probe? Are they covering up for something we don’t know or are they still trying to make up a different script about his arrest and involvement in shabu stockpiling and possibly for recycling?,” pag-uusisa pa ni Barbers.
Sinabi ni Barbers na bagama’t may karapatan si Mayo sa proseso ng batas, wala aniya itong narinig na update mula sa PNP tungkol sa status ng kanyang administratibo o kriminal maliban sa pagsasabing ang kaso ay nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon anim na buwan matapos itong mangyari.
“Nais ko, pati na siguro ng taong-bayan, na malaman kung ano na ang latest update sa kaso ni Sgt. Mayo. Alam naman natin na hindi makakagalaw si Mayo mag-isa sa kanyang illegal na gawain. Gusto rin natin malaman kung ang nakumpiskang shabu sa Tondo ay mga naipon sa past anti-drug operations o ang mga ito’y bagong delivery from China,” ayon sa mambabatas mula sa Mindanao.
“Sgt. Mayo, for all we know, is an owner of a lending institution catering to police officers. This, despite receiving a monthly salary of only P34,079.00. Is he the sole proprietor of his business which many believe is a convenient cover for his illegal drug activities?,” tanong nito.
Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., isang opisyal ng pulisya, na hindi niya kinilala at nasa ilalim ng imbestigasyon, ang may pananagutan o naging backer para ibalik si Mayo sa PNP-DEG.