“Unahin ang kababayan nating mahihirap” — solon

Si Senador Bong Go at Senador Robinhood Padilla kasama si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nang mamahagi ng tulong sa mga health care workers at mga pasyente sa Baguio City hospital.

Ni NOEL ABUEL

Nanindigan si Senador Christopher”Bong” Go na dapat na unahin na bigyan ng tulong ang mga mahihirap sa bansa lalo na sa pagpapagamot.

Ito ang sinabi ng senador kung saan inihalibawa nito ang implementasyon ng
Malasakit Centers program noong 2018 na hanggang ngayon ay napapakinabangan ng maraming Filipino.

“Unahin po natin ‘yung mga kababayan nating mahihirap, ‘yung mga helpless, mga hopeless po na walang matakbuhan po kung hindi itong ospital. Tulungan po natin silang lahat. Ang pumupunta po dito ‘yung talagang mahihirap nating kababayan. Huwag ho natin silang pabayaan. Full support po ako sa inyong ospital,” sabi ni Go nang bumisita sa Baguio General Hospital sa Baguio City kasama si Senador Robinhood Padilla.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Go ang lahat ng healthcare workers, na itinampok ang kanilang mga sakripisyo sa paglaban sa pandemya at magbigay ng pangangalagang medikal sa mga nangangailangan.

Hnimok ng senador na ipagpatuloy ang pagpapalawig ng kanilang serbisyo, lalo na sa mga mahihirap at tiniyak na magpapatuloy ito sa pagsusulong ng higit pang mga panukalang batas upang mabigyan sila ng sapat na suporta, proteksyon, at benepisyo.

“‘Wag po nating kalimutan ang nagsakripisyo po sa panahon ng pandemya — ang lahat po ng ating mga frontliners. Hindi po natin mararating ito kung hindi po sa inyong sakripisyo. Salamat po sa inyong sakripisyo. Lahat po, sa mga security guards, utility, doctors, nurses, kayo po ang hero sa panahon po ng pandemya. Maraming salamat po sa inyong lahat,” sabi ni Go na nagsulong ng benepisyo at allowances sa mga health care workers sa panahon ng state of public health emergency sa ilalim ng Republic Act No. 11712.

Sinamantala rin nina Go at Padilla ang pamamahagi ng relief goods sa 500 pasyente at 2,737 frontliners.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s