
Ni NOEL ABUEL
Suportado ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. (PBBM) na tuluyan nang humiwalay sa International Criminal Court (ICC).
Aniya, ito ang pinakatamang desisyon ng gobyerno ng Pilipinas upang hindi na ito makapanghimasok pa sa kahit anong usapin sa bansa.
Pinuri ni Revila ang desisyon ni PBBM, kasabay ng pagpapahayag ng suporta hinggil sa pagtutok ng bansa patungkol sa pagsugpo sa ilegal na droga kabilang na ang pagsisikap ng nagdaang administrasyon sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Idinagdag pa ni Revilla na na ang resulta ng anti-drug campaign ng pamahalaan ay isang malaking tagumpay at suportado ito ng sambayanang Pilipino dahil dama ito ng nakararami.
“Foreign interests should never be allowed to dictate how we run our affairs,” said Revilla. “We are accountable to our laws and our people and to no one else,” paliwanag nito.
“We have a functioning system, and the last thing we want is for misguided parties to meddle and impose themselves on us,” dagdag pa ni Revilla.
Si Revilla ay kabilang sa mga kapwa nito senador na nalabas ng sentimiyento at nagsumite ng Senate Resolution nos. 488 at 492 na pare-parehong tumututol sa pakikialam ng ICC sa bansa.
