BI naka-heightened alert ngayong Semana Santa

NI NERIO AGUAS

Inilagay na sa heightened alert ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang international ports sa buong bansa sa inaasahang pagdagsa ng mga international passengers ngayong panahon ng Lenten break.

“We are bracing for a surge in the volume of passenger who are expected to travel in and out of the country during the Holy Week, thus we have to alert our border control officers for any eventuality that may arise during this period,” sabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Sinabi ni Tansingco na nakakalat na ang daan-daang immigration officers sa NAIA bilang dagdag na suporta sa mga immigration booths sa arrival at departure areas.

“This will ensure that our services to the traveling public are not interrupted or compromised even if there is a sharp increase in passenger volume.  That is why we have banned our port personnel from going on leave during the Lenten break,” sabi nito.

Inatasan na ni Tansingco ang mga BI terminal heads sa mga paliparan na magpatupad ng mahigpit na pag-screen sa mga pasahero upang mapigilan ang tangka ng mga human trafficking syndicates na samantalahin ang okasyon at pagdagsa ng mga aalis at darating na mga pasahero.

Gayundin, inatasan ang mga BI port personnel maghigpit din sa mga dumarating na dayuhan upang hindi makapasok ang mga illegal aliens sa bansa.

Sinabi pa ni Tansingco na ang electronic gates ng BI ay fully operational na sa mga paliparan upang mapabilis ang pagsiyasat sa mga dokumento ng mga pasahero sa loob lamang ng 8-segundo kada pasahero.

Base sa statistics, ipinapakita na ang passenger arrivals sa palipara ay umaabot sa pagitan ng 30,000 hanggang 32,000 kada araw, na malayo sa 5,000 hanggang 6,000 noong nakaraang taon kung saan inaasahan na sa araw ng Huwebes Santo ay aabot ito sa 40,000.

Nagdagdag din ang BI ng karagdagang 36 bagong immigration officers na nakatapos sa pagsasanay sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga.

Leave a comment