Pagresolba sa kaso ng pinaslang na DLSU student ikinatuwa ni Sen. Revilla

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng kagalakan si Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa mabilis na pagkakaaresto noong Sabado sa suspek na sangkot sa pagnanakaw at pagpaslang sa isang estudyante ng De La Salle University (DLSU) sa Cavite.

Kasabay nito, pinuri ni Revilla sina Provincial Director Col. Christopher Olazo at Dasmariñas, Cavite Mayor Jenny Barzaga sa pagtutulungan para agarang masolusyunan at maibigay ang hustisya sa biktima.

Nabatid na naaresto ng mga pulis ang suspek na si Angelito Erlano, 39-anyoa, ng Dasmariñas, Cavite sa umano’y ginawa nitong pagnanakaw at pagpaslang sa graduating computer student ng De La Salle University (DLSU) ng lalawigang nabanggit.

Matatandaang ang biktima, si Queen Leanne Daguinsin, ay natagpuang nakahandusay sa loob ng kaniyang dormitoryo sa Barangay San Fe ng nasabi ring lugar noong nakaraang Marso 28 na nagtamo ng labing apat na tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng maaga nitong pagkamatay.

Kinilala ni Revilla, na naunang nagbigay ng P300,000 cash reward, ang Philippine National Police (PNP) at City government ng Dasmariñas sa mabilis nitong imbestigasyon at pagsakote sa suspek.

“Binibigyang pugay natin sina Provincial Director Col. Christopher Olazo at si Mayor Jenny Barzaga na halos hindi nagpahinga hanggang mahuli itong si Erlano na bagama’t masakit sa mga kaanak ang nangyari ay maiibsan na nito ang dinadala nilang bigat dahil may mananagot na sa krimen at naresolba na ang kaso” saad ni Revilla.

Hinamon din ng mambabatas ang pulisya na siguruhing hindi na mauulit ang katulad na krimen.

“Habang mabilis nating nasakote ang gumawa ng karumal-dumal na krimeng ito, dapat tiyakin natin na hindi na ito mauulit pa,” sabi ni Revilla.

Mariing kinondena ni Revilla ang pagpaslang sa biktima na walang awang kinitil ang buhay sa murang edad kung kaya’t muling iginiit nito na ibalik na ang parusang kamatayan sa mga masasangkot sa henious crime.

“‘Yung mga ganito dapat binibitay na, nang hindi na mapamarisan. Imagine ilang araw na lang at graduate na tapos nasayang lang ang kinabukasan ng biktima at pagsisikap ng mga magulang nito dahil lang sa walang kuwentang pangyayari,” dagdag pa nito.

Bukod sa ibinigay na P300,000 ni Revilla ay nagbigay rin si Cavite fourth district Rep. Elpidio Barzaga Jr. at Dasmariñas Mayor Jennifer Barzaga ng P100,000 bawat isa habang ang city government ay nagbigay rin ng P300,000, samantalang si Cavite Gov. Jonvic Remulla ay naghandog din P300,000, kaya umabot ng P1.1 milyon ang kabuuang reward para sa ikadarakip ng suspek.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s