
Ni NERIO AGUAS
Ibinalita ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na nito ang multi-purpose building project na susuporta sa mga maliliit na independent businesses sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa ulat ni DPWH Region 2 Reynaldo C. Alconcel kay Sec. Manuel M. Bonoan at kay Undersecretary for Regional Operations Eugenio R. Pipo, Jr., ang ₱15 milyong public market building ay magagamit sa pangangailangan ng komunidad para sa iba’t ibang mga produkto tulad ng karne, isda, mga produkto ng dairy products, baked goods, kape, mga pampalasa, at iba’t ibang mga domestic specialty.
Ang nasabing gusali ay may mga amenity, na kinabibilangan ng mga modernong banyo, sapat na espasyo sa paradahan, at maluwag na lugar para sa mga vendor at customer.
Mayroon ding itinalagang lugar para sa kainan at communal seating, na nagbibigay ng komportable at nakakaengganyang kapaligiran para sa mga customer.
Sinabi naman ni DPWH Nueva Vizcaya 1st – District Engineer Marifel T. Andes, ang Bagong palengke ay makakatulong para mas maraming independent businesses, at pagkakaroon ng job opportunities na makakatulong din sa ekonomiya ng nasabing probinsya.
