Mas nakararaming Pinoy suportado  ang college ROTC

NI NOEL ABUEL

Mas nakararaming kabataang Pinoy ang nagpahayag ng suporta sa pagpapatupad ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.

Ito ang lumabas sa Pulse Survey kung saan 8 sa 10 Pilipino ang nagpahayag na suporta sa pagpapatupad ng ROTC kung saan tinanong ang nasa 1,2000 respondents kung pabor sa pagpapatupad ng ROTC sa kolehiyo.

Isinagawa ang naturang survey noong Marso 15 hanggang 19 ngayong taon.

Batay sa survey, 78% ng mga respondents sa buong bansa ang sumasang-ayon sa pagpapatupad ng mandatory ROTC sa kolehiyo, 13% ang hindi sumasang-ayon, 8% ang hindi matukoy kung sumasang-ayon ba sila o hindi, at ang natitirang iba pa ay nagsabing hindi sapat ang kanilang kaalaman upang magkaroon ng opinyon sa isyu.

Suportado rin ng nakararami sa National Capital Region (77%), Balance Luzon (72%), Visayas (80%), at Mindanao (92%) ang pagpapatupad ng ROTC sa kolehiyo.

Kung susuriin naman ang resulta ng survey batay sa socioeconomic classes, 81% sa Classes ABC at E at 78% sa Class D ang sumusuporta sa mandatory ROTC.

Isa sa mga itinuturing na pangunahing dahilan kung bakit suportado ng maraming Pilipino ang ROTC ay ang paniniwalang matututo ang kabataan ng disiplina at responsibilidad (71%).

Naniniwala rin ang mga sumusuporta sa panukala na paiigtingin nito ang kahandaan ng mga kabataang ipagtanggol ang bansa sa naitalang 60%, at mahahasa ang kanilang kakayahan bilang mga lider 59 porsiyento.

“Malinaw ang boses ng ating mga kababayan sa pagsuporta sa pagbabalik ng ROTC sa kolehiyo,” ani Senador Win Gatchalian, isa sa mga may akda at co-sponsor ng Senate Bill No. 2034 o ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act.

“Kaya naman patuloy nating isusulong ang ating panukalang muling magkaroon ng ROTC sa kolehiyo hanggang sa maisabatas ito. Sa pamamagitan ng ROTC, maituturo natin sa mga kabataan ang disiplina, pagmamahal sa bayan, at kahandaang tumulong lalo na sa panahon ng mga sakuna,” dadgag na pahayag ng senador.

Para sa mga hindi naman pabor sa ROTC, 75% ang nagsabing pararamihin lamang nito ang mga kaso ng pang-aabuso, harassment, at hazing gayundin may mga nagsabig pag-aaksaya lamang ito ng panahon na dapat sana’y iginugugol na sa pag-aaral ng mga estudyante na nasa 56 porsiyento.

 May iba ring naniniwalang magagamit ang programa bilang instrumento ng kapangyarihan (44%).

Gayunpaman, nanindigan si Gatchalian na may safeguards ang panukalang batas. Halimbawa nito ang pagkakaroon ng Grievance Board sa bawat ROTC unit na tatanggap sa mga reklamo at mag-iimbestiga sa mga alegasyon ng pang-aabuso, karahasan, at korapsyon.

Layunin ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Act na gawing institutionalized ang mandatory Basic ROTC Program sa Higher Education Institutions (HEIs) at Technical Vocational Institutions (TVIs) sa lahat ng mga mag-aaral na naka-enroll sa dalawang taong undergraduate degree, diploma, o certificate programs.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s