Korean national na gumamit ng Philippine passport arestado ng BI

NI NERIO AGUAS

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na nagtangkang umalis ng bansa gamit ang Philippine passport.

Sa ulat na ipinadala ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. kay Commissioner Norman Tansingco, ang nasabing dayuhan na kinilala lang sa pangalang Mr. Kim, 43-anyos, na gumamit ng pangalan ng Pinoy sa kanyang  Philippine passport ay naaresto habang naghahanda sa pagsakay sa Philippine Airlines flight patungong Phnom Penh, Cambodia sa NAIA terminal 2.

Sinabi ni Manahan na nang kausapin ang nasabing Korean national ay nabigo itong magsalita at sumagot gamit ang anumang lengguwaheng Pilipino dahilan upang siyasatin ang hawak nitong travel documents.

“Upon interview, the alien admitted that he used to have a Korean passport, and he obtained his Philippine passport through another Korean national,” sabi ni Manahan.

Maliban sa pekeng Philippine passport, nagpakita rin ang Korean national ng postal ID at Philippine driver’s license.

Samantala, sa pagsisiyasat ng BI Anti-Fraud Section, sinertipikahan nito ang pasaporte ni Kim na genuine.

Idinagdag pa ni Manahan na nabigo rin ang nasabing dayuhan na tukuyin ang tunay na pagkakakilan nito, kabilang ang pangalan ng mga magulang at asawa at anak nito, bagama’t gumamit na ng Korean translating application.

Samantala, pinaiimbestigahan ni Tansingco kung saan nanggaling ang Philippine passport ng naturang Korean national.

“There have been many instances in the past of foreign nationals obtaining Philippine documents through misrepresentation and illegal means that have been stopped by our alert officers. We also warn that evading immigration protocols through acquiring spurious documents warrants deportation,” sabi nito.

 Kasalukuyang nasa kustodiya ng BI ang nasabing dayuhan habang isinasailalim sa imbestigasyon at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban dito dahil sa paglabag sa immigration laws.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s