65 criminal complaints vs smugglers ipinagmalaki ng BOC

Ni NERIO AGUAS

Ipinagmalaki ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang anti-smuggling campaign sa unang bahagi ng 2023 kung saan nakapaghain ito ng kaso laban sa mga smugglers.

Ayon sa BOC, 65 criminal complaints ang naihain nito sa Department of Justice (DOJ) at karamihan sa mga reklamong ito ay 49 sa kabuuan na nagsasangkot ng mga produktong pang-agrikultura, fuel, food, cigarettes, general merchandise at used clothing.

Sinabi ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio na seryoso ang BOC na labanan ang smuggling.

“The Bureau of Customs remains steadfast in its commitment to safeguard our country’s borders and to protect our local industries from the harmful effects of smuggling, and we will not rest until we have put an end to this illegal activity,” sabi nito.

Aniya, nagbunga ng positibong resulta ang anti-smuggling campaign ng BOC nitong mga nakaraang taon, kung saan nasamsam ng ahensya ang milyun-milyong pisong halaga ng mga smuggled goods at nagsampa ng maraming reklamong kriminal laban sa mga smuggler.

Ang ahensya ay nakipagtulungan din sa iba pang ahensya ng gobyerno at internasyonal na organisasyon upang mapabuti ang seguridad sa hangganan at labanan ang mga transnational smuggling syndicate.

Sa paghahain ng 65 na reklamong kriminal sa unang bahagi ng 2023 pa lamang, malakas ang mensahe ng BOC sa mga smugglers na hindi kukunsintihin ang kanilang mga ilegal na aktibidad.

“With the filing of 65 criminal complaints in the first quarter of 2023 alone, the BOC is sending a strong message to smugglers that their illegal activities will not be tolerated,” sabi ni Rubio.

“We will remain vigilant in our efforts to combat smuggling, and we will not hesitate to take legal action against those who seek to violate our laws and jeopardize the welfare of our nation,” dagdag nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s