Breaking news!

Mindanao niyanig ng magnitude 5.4 ng lindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig na malakas na paglindol ang lalawigan ng Davao Oriental at ilang bahagi ng Mindanao ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-10:02 ngayong umaga nang maramdaman ang magnitude 5.4 na lindol sa layong  145 km timog silangan ng bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim itong 059 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa Jose Abad Santos, Davao Occidental at intensity II naman sa  Malungon at Glan, Sarangani; Malita, Davao Occidental habang intensity I sa Malapatan, Sarangani; Polomolok, South Cotabato.

Samantala, sa instrumental intensities, naitala ang intensity II sa Malungon, Sarangani; intensity I sa Davao City, Davao del Sur; Nabunturan, Davao de Oro; Kiamba, Alabel, Glan, Sarangani; General Santos City; Tupi, Koronadal City; Polomolok, South Cotabato; Kidapawan City, Cotabato; President Quirino at Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Isinusulat ang balitang ito ay wala pang ulat kung may naapektuhan sa nasabing malakas na paglindol kung saan nag-abiso naman ang Phivolcs na asahan ang pagkakaroon ng mga aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment