
Ni NOEL ABUEL
Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga dayuhang mamumuhunan at multilateral lenders ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay patuloy na magpapasa ng mga hakbang upang mapanatili ang matatag na ekonomiya ng bansa.
Malugod din nitong tinanggap bilang mabuting balita ang nakapagpapatibay na mga pahayag na ginawa ng Standard Chartered Bank Global Head of Public Sector and Development Organizations Karby Leggett, World Bank Country Director for the Philippines, Malaysia, Thailand, at Brunei Ndiamé Diop, at Deputy Director ng International Monetary Fund (IMF), Asia, at Pacific Department Sanjaya Panth sa presentasyon ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangunguna ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa estado ng ekonomiya ng Pilipinas.
“We are committed to passing more measures that the Marcos administration may need to further enhance investment in thebPhilippines aimed at improving the lives of Filipinos. I urge foreign investors to stay the course with us and share the benefits of progress and development,” ayon pa kay Romualdez.
Sa pagpupulong na ginanap sa Fairmont sa Washington D.C. noong Miyerkulesb(oras sa Estados Unidos), binanggit ng mga opisyal ng Standard Chartered Bank, WB, at IMF ang patuloy na malakas at matatag na ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng mga pandaigdigang hamon, kabilang ang COVID-19 pandemic at inflation.
Sinabi ni Romualdez na ang kaganapan ay bahagi ng kilos ng pamahalaan at ng administrasyong Marcos upang makaakit ng higit pang dayuhang pamumuhunan na lilikha ng mas maraming kita at oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino
“I commend members of the economic team for this briefing. The United States is a major source of investments and funding assistance. The World Bank and IMF are likewise principal development funders,” aniya pa.
Pinasalamatan ni Romualdez ang World Bank at IMF at ilang malalaking multinational na bangko para sa pagtulong na ayusin ang kumperensya, ang pangalawa ay ginanap sa Washington DC at ang pangatlo sa US.
Ang iba pang opisyal ng pamahalaan na dumalo sa nasabing pagpupulong si Ambassador to the US Jose Manuel
Romualdez at ang mga miyembro ngbeconomic team na sina Bangko Sentral ng Gov. Felipe M. Medalla, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at National Economic and Development Authority (NEDA) Director
General Arsenio Balisacan.