Overstaying na British national arestado sa Palawan

Ni NERIO AGUAS

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang British national na illegal alien at illegal na nagtatrabaho sa Coron, Palawan.

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang nadakip na dayuhan na si Paul Stuart Leggot, 61-anyos, sa isang bar sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Dongapan, Coron, Palawan.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng BI intelligence division at fugitive search unit laban sa nasabing dayuhan na sinasabing nagmamay-ari ng isang bar sa Coron, Palawan.

Maliban sa pagiging overstaying, si Leggot ay napatunayan na nagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang work permit.

Sa record ng BI, dumating sa bansa si Leggot noong 2014 ay simula noon ay hindi na muli pang isinaayos ang papeles nito para legal na manatili sa bansa.

Pinuri ni Tansingco ang investigating team at binalaan ang mga dayuhan na huwag abusuhin ang hospitality ng bansa.

“Foreign nationals may only work or have business in the country if they secure the appropriate visas and other permits. Aliens who refuse to comply with our laws take away opportunities from Filipinos, and do not submit appropriate taxes to the government,” pahayag pa ni Tansingco.

Agad na dadalhin si Manila bago isailalim sa booking at inquest at ilipat sa BI’s jail facility sa Bicutan, Taguig.

Leave a comment