Death penalty vs ‘security personnel’ iginiit ni Sen. Padilla

Ni NOEL ABUEL

Isinusulong ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla na patawan ng parusang kamatayan ang mga tumatayong security personnel na dating tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang sinabi ni Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs tungkol sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo kung saan kinumpirma ng AFP na halos lahat o 9 na naaresto na pumatay sa gobernador ay mga dating tauhan nito.

Giit ng senador upang hindi na maulit ang pagpaslang kay Degamo kung saan sangkot ang security personnel na isinanay sa paggamit ng mataas na kalibreng baril.

Dagdag pa nito, kailangan ng mas matinding parusa sa mga tumaksil sa kanilang panunumpang ipagtanggol ang taumbayan.

“Malinaw naman po na itong ating mga bayaning sundalo na naligaw ng landas, ito po ay mga nabigyan po ito ng tamang orientation, tamang ideology, tamang pag-iisip, na naligaw, hindi ba po dapat mas matindi ang parusa dito mahal na tagapangulo, dahil ito nanumpa sa taumbayan na sila magiging tagapagligtas, tagapagtanggol, at ito ay nakagawa ng krimen,” aniya.

“Siguro po sasang-ayon kayo sa akin na isang taong pinag-aral ng gobyerno, ginastusan ng taumbayan upang siya ay bigyan ng proteksyon ay gagamitin isang araw para magbigay ng isang krimen na gugulatin ang sambayanang Pilipinas at gagamitin niya ang training na ito,” dagdag pa nito.

Sumang-ayon kay Padilla si Committee Chairman Ronald dela Rosa na bigyan ng mas mabigat na parusa ang ganyang klaseng mga tao.

“Tama ang policy direction mo na binabanggit. I am with you kung mag-file ka ng measure towards that direction, you can expect my full cooperation. I will support you,” aniya.

Ihinain ni Padilla ang Senate Bill 2042 o “Anti-Scalawag Act” noong Marso 22, kung saan mabibigat na parusa ang naghihintay rin sa mga magre-recruit, gagamit, popondo at magsasanay ng security personnel para pumatay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s