
NI NOEL ABUEL
Tinitiyak ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. na isusulong nito na mapabilis ang “Build Better More” para mapalakas ang public-private partnership (PPP) na magpapalakas sa mga pampublikong imprastraktura at iba pang proyekto sa bansa.
Ayon kay Revilla, chairman ng Senate Committee on Public Works, hihimayin ng komite ang ilang panukalang batas na naglalayong palakasin ang PPP at mabilis na maipasa ang mga panukalang batas na magsusuporta sa ‘Build Better More’ na ibinabandera ng kasalukuyang administrasyon na infrastructure program.
Nakapaloob sa naturang panukala ang priority legislation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) matapos na mabanggit sa unang State of the Nation Address (SONA) nito at pormal na tinalakay sa pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) noong Oktubre 10, 2022.
“Isa sa mga priority legislation na binanggit ng Pangulo sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) last July ay ang pag-amyenda sa halos tatlumpung taon nang Build-Operate-Transfer (BOT) law. Sa kaniyang mensahe, ay iginiya ng Pangulo ang direksiyon na tatahakin sa pag-amyenda ng batas. Batid natin ang kahalagahan ng batas na ito sa pagpapadaloy ng mga serbisyo sa ating mga mamamayan. Ang pag-amyenda sa BOT Law ay naglalayong pagtibayin at payabungin pa ang mga benepisyo sa ilalim ng nasabing batas,” paliwanag ni Revilla.
Pinanghahawakan ni Revilla ang landas na tinatahak ni PBBM sa likod ng naturang batas na Address the ambiguities in the existing Build-Operate-Transfer Law; Address the bottlenecks and challenges affecting the implementation of the Public-Private Partnership (PPP) Program; at Foster a more competitive and enabling environment for PPPs.
Kaugnay nito ay ipinaliwanag ni Revilla ang kahalagahan ng PPPs at ang labis na pangangailangan hinggil sa pag-amyenda sa umiiral na batas.
“PPPs are said to be schemes that offer more benefits than risk to our development. With PPPs, projects may be completed sooner. Higit pa rito, may mga proyektong nagiging posible nang dahil dito. It turns what seems to be too ambitious into reality. In fact, it is a promising route as we pursue the massive infrastructure development in the country under the Build Better More banner,” sabi pa ni Revilla.
Kinilala rin Revilla ang kahalagahan ng pribadong sektor bilang katuwang ng pamahalaan sa economic development kung saan ang pamahalaan at pribadong sektor ay magkatuwang sa paghatid ng serbisyo sa taumbayan.
“With the pronouncements from the President, we will look into the ambiguities, identified challenges and delimited environment for PPPs. At the end, the goal is to be on point with these issues, and harvest the benefits from the PPP Scheme. Sana panalo tayong lahat, at higit lalo na ang taumbayan,” saad pa ni Revilla.
