
NI NERIO AGUAS
Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga may-ari ng mga condominium building na makipagtungan sa kampanya laban sa mga illegal activities ng mga dayuhan na umuupa sa kanilang lugar.
Ang panawagan ay ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco kasunod na rin ng ibinunyag ni Senador Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, and Family Relations na sa mga condominium units sa Metro Manila ang inookupa ng mga dayuhan para sa operasyon ng crypto currency scam.
Giit ni Tansingco, nahihirapan ang BI at maging ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na makapasok sa mga condominiums.
“Both local law enforcement agencies and the BI have difficulty simply entering condominiums, as these are residential areas, unlike offices of companies,” sabi ni Tansingco.
Ipinaalala pa nito sa mga condo building owners na ang paglaban ng pamahalaan sa mga scammers at human traffickers ay responsibilidad ng lahat ng Filipino at dapat na isumbong ang lahat ng illegal activities sa kanilang mga lugar.
Babala rin ni Tansingco sa mga condo building owners na mabibigong isumbong ang mga illegal na aktibidad sa kanilang lugar na maituturing na harboring illegal aliens na may katapat na parusang kriminal sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940 at mahaharap sa pagkakakulong ng 10-taon.
“If there are illegal aliens in your vicinity, report them to immigration, or to the local law enforcement agencies,” said Tansingco. “Protectors of aliens doing illegal activities in the country are also liable by law,” babala pa ng opisyal.
