Pagpapalawig ng estate tax amnesty pinasesertipikahan ni Recto kay PBBM

Rep. Ralph Recto

NI NOEL ABUEL

Umapela si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang pagpapalawig ng deadline ng estate tax amnesty sa loob ng dalawang taon.

Paliwanag ni Recto, sa pamamagitan umano nito ay makatitipid ng bilyun-bilyong piso ang taumbayan habang bilyon din ang kikitain ng pamahalaan kung ipagpapaliban ang itinakdang Hunyo 14, 2023 na deadline at gagawing Hunyo 14, 2025.

 “A one-sentence letter from the President supporting a one-line bill will make this a reality,” sabi ng kongresista.

Paliwanag pa ni Recto, ang pagpapalawig sa amnesty ay isang “act of kindness”  sa mga nakatatanda na ang kahinaan ay naranasan sa loob ng 30 buwan ng COVID-19 pandemic na humadlang sa mga ito na makatanggap ng amnestiya.

 “Halimbawa, marami sa ating mga kababayan na nasa ibang bansa na nais sanang ayusin ang namana nilang ari-arian ang hindi makauwi dahil sa matagal at mahigpit na lockdown. Putting a deceased loved one’s properties in order was also a casualty of Covid. If government had extended “lifelines, bailouts in the billions” to distressed commercial firms during the pandemic, “then why should not the same compassion be extended to families, more so that it won’t cost the government anything?”, paliwanag pa ni Recto.

Ayon pa kay Recto, noong nasa Senado pa ito ay iniakda nito ang Republic Act 11213,  ang 2019 law na nagbubura sa mga multa at makabuluhang pagbabawas sa singil para sa estate tax obligations.

Subalit ang panahon aniya para magamit ang one-time tax relief ay kasabay ng pandemya, na nag-udyok sa Kongreso na ipasa ang RA 11569 na nagpapalawig sa amnesty period ng dalawang taon hanggang Hunyo 14, 2023.

“When RA 11213 came into force in 2019, the forecast revenue was in the P6 billion to P8 billion range, but actual take as of end of 2021 was P5.5 billion,” aniya.

 “Ang isang dahilan ay mahirap na nga ang proseso, mahaba pa ang requirements, maraming pirma ang kailangan sa hatian ng mga minanang ari-arian, at dinagdagan pa ng Covid,” dagdag pa ni Recto.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s