
NI MJ SULLIVAN
Sa pambirihirang pagkakataon ay makikita sa ilang bahagi ng bansa ang magaganap na hybrid solar eclipse ngayong tanghali.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA), ang nasabing hybrid solar eclipse ay 1 dekada lamang nangyayari kung kaya’t malaking bagay na makita ito ngayong araw.
Sinasabing hindi lamang ito simpleng solar eclipse dahil itinuturing itong hybrid na isang pambihirang pangyayari sa siyensya.
Nabatid na ilang lugar lang sa iba’t ibang bahagi makikita sa maliit na bahagi ng total eclipse habang sa ibang bansa naman sa Asya ay mas malaking bahagi ang makikita sa solar eclipse.
Ang solar eclipse ay nangyayari kapag natatakpan ng buwan ang sikat ng araw at lumilikha ng anino.
Makikita ang annular eclipse na parang sing-sing dahil sa nalilikhang liwanag sa gilid ng araw na hindi na saklaw ng pagtatakip ng buwan.
Payo ng mga eksperto, iwasang direktang tingnan ang solar eclipse at sa halip ay gumamit ng ultra violet device para makaiwas sa pagkasira ng mga mata.