2 Pinay na biktima ng human trafficking naharang sa NAIA

Ni NERIO AGUAS

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pinay na biktima ng human trafficking gamit ang pekeng exit stamp.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga biktima, na itinago ang mga pangalan para sa kanilang proteksyon, ay sasakay sana sa Cebu Pacific flight papuntang Dubai sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Abril 19 ngunit nabigong makalampas sa primary inspection ng BI.

Ayon kay Tansingco, ang dalawang Pinay ay nagkunwari bilang mga turista ngunit kalaunan ay umamin na sila ay aalis sa bansa upang magtrabaho bilang mga household service worker sa ibang bansa.

Sa imbestigasyon, inamin ng mga biktima na escort ang nag-asikaso sa mga ito para mapadali ang kanilang pag-alis ng bansa.

Anila, nakilala ng mga ito sa isang fast food restaurant ang human traffickers at inutusan na sumailalim sa clearance ng BI na may mga naselyohang pasaporte at boarding pass bago pa man makarating sa paliparan.

“The victims were directed to wait for escorts, but when they got there, nobody arrived and they could no longer contact those who handed them their passports,” ani Tansingco.

Ipinahayag ng dalawang Pilipino na alam nila ang job opening mula sa isang nakilalang “Regine” at Onday” na nakilala ng mga ito sa pamamagitan lamang ng Facebook.

Nagpapaalala ang BI sa publiko na huwag mahulog sa mga taktika ng mga human traffickers dahil ang BI ay may mahigpit na patakaran laban sa mga dumaraming at umaalis na mga pasahero.

Babala pa ni Tansingco sa publiko na mag-ingat sa mga nagkalat na online illegal recruitment.

“The pandemic has brought challenges to many of our kababayan. The sound of greener pastures abroad has become promising,” said Tansingco. “But we remind the public to be wary of the dangers of trusting strangers online,” sabi nito.

Ang mga biktima ay dinala sa Inter-Agency Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang tulong sa pagsasampa ng kaso laban sa kanilang illegal recruiters.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s