
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na lindol ang ilang lugar sa lalawigan ng Davao Oriental ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa ulat, dakong alas-7:20 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.4 na lindol sa bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental.
Nakita ang sentro nito sa layong 113 km timog silangan ng Governor Generoso at may lalim na 097 km at tectonic ang origin.
Naitala sa instrumental intensities ang intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental; Malungon, Sarangani at syudad ng General Santos, South Cotabato.
Wala namang inaasahang epekto ang nasabing lindol at wala na ring inaasahang aftershock sa mga susunod na araw.
Samantala, alas-11:20 ng gabi noong Abril 24 nang maitala ang magnitude 4.4 na lindol sa lalawigan ng Surigao Del Sur.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 001 km timog silangan ng bayan ng Bayabas, Surigao Del Sur at may lalim na 036 km at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity III sa Bayabas, Surigao del Sur at intensity II sa Cagwait, Marihatag, Tago, at Tandag, Surigao del Sur samantalang intensity I sa Cortes at San Agustin, sa nasabi ring lalawigan.
Walang naitala danyos ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
