SIM registration pinalawig pa ng 90-araw

NI NERIO AGUAS

Magandang balita para sa mga hindi pa at nahihirapang maiparehistro ang kani-kanilang cellphone sim card makaraang ilabas ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon nito na palawigin ng 90-araw ang Sim card registration.

Ayon kay  Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa gitna ng inter-agency task force meeting hinggil sa oil spill sa Mindoro.

Ang pahayag ay kasunod ng sectoral meeting kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang kung saan nagdesisyon si DICT Sec. Ivan John Uy at iba pang opisyal ng pamahalaan na palawigin ang sim card registration.

“There’s a 90-day extension,” sabi ni Remulla.

Magugunitang itinakda sa Abril 26 ang deadline para sa pagpaparehistro ng lahat ng cell phone sim card subalit habang nalalapit ang pagtatapos ay mababa pa rin bilang ng nagparehistro kung saan maging ang DITO Telecommunity, Globe Telecom at Smart Communications ay nanawagan na palawigin ang pagpaparehistro ng sim card dahil na rin sa mababang bilang ng mga naparehistro.

Mismong ang DICT ang nagsabing hindi na palalawigin ang registration deadline na sinuportahan din ang mga senador.

Maaalalang ipinasa ng Kongreso ang SIM Registration Act bilang tugon sa dumaraming kaso ng scams sa buong bansa.

Nabatid na nasa 60 porsiyento ng kabuuang 168 million active SIMs sa bansa ang tanging naiparehistro.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s