Probinsya ng Isabela binuhusan ng proyekto ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Limang barangay sa bayan ng Roxas, Luna, at Quezon, sa probinsya ng Isabela ang makikinabang sa bagong infrastructure projects na inimplenta at natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, na sa ulat ni DPWH Regional Office 2 OIC-Director Reynaldo C. Alconcel, ang mga natapos na proyekto na ipinatupad ng DPWH Isabela 2nd District Engineering Office ay may pinagsamang halaga na P72.7 milyon at kinabibilangan ng multipurpose at evacuation centers, river-control structure, barangay road, at bagong tulay.

Sa Roxas, nagtayo ang DPWH ng 468-linear meter revetment sa tabi ng Siffu River sa Barangay San Placido sa halagang P41 milyon.

Habang ang iba pang mga proyekto ay ang 2-lane road construction sa Barangay Bantug na nagkakahalaga ng P6.7 milyon at ang P3 milyon na multipurpose building na nagsisilbi ring barangay hall at evacuation center sa Barangay Mambabanga.

Tapos na rin sa munisipyo ng Luna ang P19-million construction ng 7.2-meter bridge na may sidewalk sa Barangay Macañao kung saan ang konkretong Macañao Bridge ay papalit sa isang lumang bakal na tulay na madalas binabaha tuwing tag-ulan.

Isa pang multipurpose building na nagkakahalaga ng P3 milyon ay natapos din kamakailan sa Barangay Arellano sa bayan ng Quezon.

Ang 2 palapag na gusali ay nagsisilbing barangay hall at evacuation center, na nilagyan ng mga pasilidad sa panahon ng kalamidad.

“It is crucial that we prioritize infrastructure development in far-flung areas so we can help fulfill rural communities’ basic needs, or at least improve their way of living,” sabi ni Bonoan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s