
Ni NOEL ABUEL
Sa paggunita ngayong buwan ng National Autism Awareness Month, nanawagan ang isang kongresista sa pamahalaan na pagkalooban ng sapat na tulong ang mga ‘Autism Spectrum Disorder’ (ADS) patients.
Kasabay nito, inihain ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang House Bill No. 7892 o “An Act Providing for Protection and Welfare Benefits to Persons with Autism and for Other Purposes” para mabigyan ng atensyon ng pamahalaan ang mga may sakit na Autism.
Ang autism, o mas pormal na kilala bilang ‘Autism Spectrum Disorder’ (ADS), ay lumilitaw sa iba’t ibang anyo na may iba’t ibang antas ng kalubhaan, na ang bawat indibidwal ay may kani-kaniyang sariling lakas at hamon, ngunit ang dalawang pinakakaraniwang hamon ay ang mga kakulangan sa social communication and interaction at pinaghihigpitan o paulit-ulit na pag-uugali, interes, o aktibidad.
Sa ilang pagkakataon, maaaring lumitaw ang ilang mga comorbidities sa mga taong may autism kabilang ang pagkabalisa, depresyon at mga karamdaman sa pagtulog. Sa ilang mga kaso, ang mga taong may ASD ay nangangailangan ng maraming tulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay, habang ang iba ay maaaring magtrabaho at mabuhay nang kaunti o walang suporta.
“I have been approached by families caring for persons with autism (PWAs) and I can see how emotionally and financially challenging it is for them partly because there is little support from our government institutions for PWAs. Almost all their expenses are out of pocket, especially the costs for occupational and speech therapies. They also worry about how their family members with autism will integrate into our society as they grow older since we have insufficient policies providing opportunities for them,” paliwanag ni Rep. Magsino.
Sinabi ng mambabatas na ang HB 7829 ay naglalayong isulong ang isang kapaligirang nakakatulong sa pag-unlad ng mga taong may autism upang maging self-reliant, produktibo at tanggap sa lipunan sa pamamagitan ng mga mekanismo na magpapahusay sa kanilang pag-access sa edukasyon, trabaho, transportasyon, insurance coverage, at medical care and therapeutic services.
Sa panukalang batas, ang mga persons with disability (PWDs) gaya ng tinukoy sa ilalim ng Republic Act No. 7277, na magbibigay sa kanila ng mga karapatan, pribilehiyo, at iba pang benepisyo para sa mga taong may kapansanan sa ilalim ng mga umiiral na batas.
Ang panukalang batas ay nag-uutos din sa Department of Health (DOH) na magtatag ng isang programa para sa maagang pagsusuri at pagtuklas ng autism na may naaangkop na mga serbisyo na maaaring kailanganin.
Dagdag pa sa panukala na nagbibigay rin ng proteksyon para sa mga PWA laban sa diskriminasyon sa insurance coverage at sa edukasyon, gayundin sa mandatory Philhealth coverage at pantay na oportunidad sa trabaho.
Higit sa lahat, ang iminungkahing panukala ay nag-uutos sa Philippine Council for Mental Health, sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya, na bumuo at regular na mag-update ng National Autism Care Plan (NACP) upang tumugon sa mga pangangailangan ng mga PWA at kanilang mga pamilya at para sa gabay ng mga stakeholder sa pampubliko at pribadong sektor.
“The OFW Party List is not only limited to helping people in the OFW sector; we are open to provide assistance, in any way, shape, or form, to different vulnerable sectors of our society, such as persons with autism. We want to ensure that they will become independent and productive members of the society by making our societal structures and policy environment more inclusive and more conducive for them,” ayon pa kay Deputy minority leader Magsino.
Ayon sa datos ng DOH, ang bilang ng mga Pilipinong may autism ay lumobo mula 500,000 noong 2008 hanggang isang milyon noong 2018 at dumoble ito sa loob lamang ng sampung taon.