
Ni NOEL ABUEL
Iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na ibigay na ang hindi nababayarang allowances ng nasa 20,000 private health care workers (HCWs).
Ayon kay Go, chair ng Senate Committee on Health and Demography, panahon nang ipagkaloob ang COVID-19 allowances ng mga health workers.
“Nananawagan po ako sa ating Department of Budget and Management at sa ating Department of Health. As Chair po ng Committee on Health sa Senado, legislator po ako, mambabatas. Kami po ang nag-aaprub ng budget pero ang nagpapatupad nito ay ang ating Executive Department,” sabi ni Go, sa ambush interview sa gitna ng pagtulong nito sa mahihirap na pamilya sa San Jose de Buenavista, Antique noong Abril 25.
“Alam n’yo, napakaliit lang po ‘yan na halaga katumbas ng sakripisyo ng ating mga frontliners. Bigyan po natin ng importansya ang ating mga frontliners po. Sila po ang nagsakripisyo sa panahon ng pandemya. Hindi po natin mararating ito kung hindi po sa ating mga frontliners. Dapat po ay bayaran kaagad. What is due to them, bayaran kaagad,” paliwanag pa nito.
Una nang ibinunyag ng United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP) na nasa 20,304 healthcare workers na nagserbisyo sa mga pribadong ospital noong kasagsagan ng pandemya ang hindi pa natatanggap ang kanilang COVID-19 benefits and allowances na nagkakahalaga ng P1.94 bilyon mula Oktubre 2021 hanggang ngayon.
Idinagdag pa nito na ang pamahalaan ay may kinalaman sa P1,840,742,500 pagkakautang para sa isang COVID-19 na allowance (OCA); Especial Risk Allowance (SRA); health emergency allowance (HEA); at meals, accommodation, and transportation (MAT) benefits para sa mga HCWs.
“Alam n’yo, nu’ng umpisa pa lang ng pandemya, nagsalita talaga ako sa Senado dahil mayroon pong namatay na HCW, it took them two months po bago ihatid ang kanilang tseke. Alam mo, kapag may namamatay na health worker, ‘wag n’yo nang pahirapan sa mga requirements, dapat nga ihatid ang tseke sa pamamahay dahil nagluluksa pa ang mga ‘yan,” pahayag pa ni Go.
“Same arrangement din po o treatment dito sa mga nagkasakit na mga healthcare workers natin. Ibigay agad ang ipinangakong financial assistance. Ito namang incentives nila, risk allowance, ibigay po. In fact, mayroon kaming inaprubahan sa Senado, ‘yung Republic Act 11712 na naglalaan po na bigyan sila ng risk allowance. Ngayon, ‘wag na pong patagalin,” dagdag pa nito.
I love this
Great article about Senator Christopher “Bong” Go’s efforts to push the Department of Budget and Management and the Department of Health to provide COVID-19 allowances to private health care workers. I completely agree that our frontliners deserve to be compensated promptly for their sacrifices. My question is, have there been any updates on the status of these unpaid allowances and benefits?
Jessica Dunne
http://www.befitandhealthy.net/
LikeLike