
Ni NOEL ABUEL
Maliit na halaga lamang kung maituturing ang kinakailangan ng Land Transportation Office (LTO) para mapunan ang kakulangan ng driver’s license.
Ito ang sinabi ni House Deputy leader at Batangas Rep. Ralph Recto kung saan ang P249 milyon na kailangan ng LTO para sa 5.2 milyong plastic driver’s license cards ay makokolekta sa tatlong araw at kalahating kita ng ahensya.
“Hindi kakulangan ng pera ang dahilan, pero tila kakulangan sa diskarte. Not all procurement debacles stem from lack of money. Some are caused by inefficiency, by agencies rich in resources but poor in foresight,” sabi ni Recto.
Inihalimbawa pa nito ang pahayag ng LTO na kumita ito ng P26.68 bilyon noong nakaraang taon, na umaabot sa P73 milyon sa isang araw.
“So it would only take three-and-half days of LTO collections to fund the P249 million required to purchase a year’s supply of plastic driver’s license cards,” sabi nito.
Sa P19.32 bilyon, ang singil sa motor vehicle at iba pang bayarin sa pagpaparehistro ay naging bahagi ng mga koleksyon ng LTO noong 2022.
Sumunod ay ang mga bayarin sa lisensya, na nag-ambag ng P3.24 bilyon at ang mga multa at parusa ay nagdagdag ng P3.08 bilyon sa koleksyon nito.
“Doon pa lang sa bayad sa lisensya, isang buwan lang na koleksyon sapat ng pambili ng plastic cards na lisensya,” ani Recto.
Iniulat ng LTO na nag-isyu ito ng 5.332 milyong bago at na-renew na driver’s license at 1.640 milyong student permit noong nakaraang taon.
Giit pa ni Recto, hindi tulad ng pinsala ng bagyo na ang mga gastos sa rehabilitasyon ay hindi mahuhulaan nang maaga, ang dami ng mga driver’s license card na kailangan taun-taon ay higit o mas kaunti ang nakatakda, at gayundin ang badyet na ilalaan.
“When it comes to procurement, LTO should have heeded its advice to drivers — to anticipate road conditions and be on the lookout for hazards,” ayon pa sa mambabatas.