Disyembre 18 ideklarang OFW Day– Rep. Magsino

Ni NOEL ABUEL

Pinadedeklara ng isang kongresista ang Disyembre 18 bawat taon na special working holiday bilang pagbibigay ng pagkilala sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) sa malaking ambag ng mga ito sa ekonomiya ng bansa.

Sa House Bill No. 7903 na inihain ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, ang Disyembre 18 ay tatawaging “Overseas Filipino Workers’ Day”.

Ayon kay Magsino, pinagtibay ng United Nations’ General Assembly ang isang resolusyon noong Disyembre 18, 1990 sa International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of their Families.

Pinagtitibay nito ang pangako ng pandaigdigang komunidad sa pagtataguyod ng isang makatao at maayos na pamamahala ng migration para sa kapakinabangan ng lahat, kabilang ang mga komunidad na pinagmulan, transit, at destinasyon.

Bilang paggunita sa kaganapan, ang Disyembre 18 ng bawat taon ay ipinahayag na “International Migrants Day”.

Ang Pilipinas ay mayroong humigit-kumulang 1.8 milyong OFWs sa pinakahuling available na datos mula sa Philippine Statistics Authority.

Ayon sa kongresista, ang mga OFWs ay madalas na tinatawag na ‘modernong bayani’ dahil ang kanilang pinansiyal na kontribusyon sa pamamagitan ng mga remittances ay nag-aalok ng lifeline sa mga pamilya at nag-uudyok sa mga lokal na pamilihan pati na rin ang pambansang ekonomiya.

Napatunayan na pinagmumulan ang OFWs ng kaunlaran, inobasyon, at napapanatiling pag-unlad ng bansa at maging ang kanilang mga host country.

“House Bill 7903 seeks to declare December 18 of every year as a special working holiday in the entire country to be referred to as the “Overseas Filipino Workers’ Day” in recognition of the important contributions of OFWs to nation-building and in respect of their personal sacrifices. It is but fitting to honor them and designate a special day celebrating our OFWs – ang bida ng ating bayan,” paliwanag pa ni Magsino.

Sa ilalim ng HB 7903, inatasan ang lahat ng pinuno ng mga ahensya ng gobyerno at instrumentalities, kabilang ang mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno pati na rin ang mga local government units, na hikayatin at bigyan ng sapat na oras at pagkakataon para sa kanilang mga empleyado na makisali at lumahok sa anumang aktibidad na isinasagawa sa loob ng lugar ng kani-kanilang opisina o establisimiyento para ipagdiwang ang ‘Overseas Filipino Workers’ Day’.

“Noong pandemya, ang remittances ng ating OFWs ang sinandalan ng ating ekonomiya. In 2021 alone, they gave us USD 34.884 billion in remittances. Tayo ay taos-pusong nagpapasalamat at nagbibigay pugay sa kanilang mga sakripisyo at kontribusyon sa ating bayan at sa kanilang mga pamilya kaya tayo ay magpupursige na maipasa itong panukalang batas na ito na kumikilala sa kanila,” pahayag pa ni Magsino.

12 Comments

  1. sana po mam &isa po ako sa mapili ninyo single parent po ako until now po nag uupa paren po ako ng bahay sa may cavite salamat po.

    Like

  2. Ako po si Anna rose Rodriguez Gatdula na ofw sa basang Saudi nais ko po mag bakasakali dto Baka mapili ako na Maka avail NG OFW PABAHAY PARTYLIST Para din po sa 2 kong anak dhil sa dami NG gastos d magawang makabili NG sariling bahay bukod na mababa ang sahod dto sa Saudi sakto lng din po sa pamilya ko ang sahod ko 2 na po ang nag aaral sakin Kaya tangling hoping ko lng po na mapili ako maraming salamat po ❤️😔🙏🙏🙏

    Like

    1. Magandang araw po,
      Ako po si Deborah Gaad Fetalver kasalukuyan nag tatrabaho dito sa bansang United Arab Emirates or UAE
      Nais ko pa sanang mabigyan nyo po ng pansinin ang magiging liham Kong ito.
      Nais ko po na mabigyan ng maayos na tahanan ang akong familya at kinabukasan. Maging ang akong ina na may sakit din po.
      Sa nayon wala pa po akong bahay at nag iisa nalang po ang nag hahanap buhay at ang Mr ko po ay mag sakit at di na cya makaka trabaho desable person na po cya.
      May nag aaral Po akong Nak sa college at mahirap po sakin ang nag iisa Para sa mga gastusin. May gamot pa ang Mr ko Para sa sakit nya.
      Kaya sana po mabigyan nyo po ako NG pa bahay na ito Para sa OFW.
      Hangan ko po ito pero sa hins sapat na sinasahod dito ay hindi. Ko pa na bigyan ng maayos na bahay ang familya ko.
      Sana ito na po ang katuparan ng akong pangarap Para sa family ko.
      Mabigyan mo sana ako NG
      Pabahay na ito.
      Maraming salamat po.

      Like

  3. ako po c roshelle begalan catalan nagta trabaho po ako sa bansang abu dhabi UAE nais ko po sana mag kabahay alang2x po sa tulong nyo saming mga ofw.. matagal kona po nais mag kahabay para po sa mga anak at pati na rin po sa mga magulang ko isa po akong single mother sa tatlong anak ko po sana po mapansin nyo po ang aking minsahi po sainyo matagal na po ako nagta trabho sa ibang bansa ni bahay wla pa akong naipundar dahil sa mga responsibilidad ko sa aking pamilya.. yun lng po ang gusto ko magka bahay sana matulongan nyo po ako

    Like

  4. Ako si layda hamjan abdurajik andito po ako sa bansang saudi nag trabaho ang gusto ko lang mabigyan tahanan ang aking familya 9years mahigi na ako nag tratrabaho dito saudi DH po ang trabaho ko dito sana po mabigyan niyu ako ng sariling bahay salamat poh

    Like

  5. Sana mareceive Niyo Po Ang comment ko na matagal ko na pong magkabahay para magkakasama na lahat Ang mga anak ko sa iisang bhay,Kasi sa Ngayon Po hiwahiwalay cla Yung Isa iniwan ko sa kpatid Ng tatay nila Yung panganay ko andun sa Lola Niya toz Ang bunso ko nsa ate ko Kasi Wala Po kaming sariling Bahay tsaka hiwalay na ako sa tatay nila kaya andto ako ngaun sa ibang bansa para sa future Ng mga ank ko..salamat Po..

    Like

  6. Ako po si layda hamjan abdurajik isang ofw dito sa bansa saudi Arabia 9years na po ako sa abroad ako po madre de familia sa aking magkakapatid wala na po kaming tatay, nanay nalang ang meron kami ang gusto ko lang mabigyan tahanan ang aking mga familya, sana po isa ako mapili niyo mabigyan kami mg sariling bahay, maraming salamat poh,

    Like

  7. Good day po.Ako po si Dominga P. Auza,taga Malaybalay Bukidnon,Isang Ofw ng Dubai. Nais ko pong Mag apply Ng Ofw housing Program dahil wala po akong kakayahang maka pagpatayo ng bahay dahil isang single mom po ako.Sana mapili nyo po ako..Maraming salamat po.

    Like

  8. Good day po.Ako po si Dominga P. Auza,taga Malaybalay Bukidnon,Isang Ofw ng Dubai..Nais ko po mag apply Ng Ofw housing program dahil Wala po akong kakayahang makapag patayo ng sariling bahay dahil ako ay Isang single mom.sana mapili niyo po ako.maraming salamat po.

    Like

Leave a reply to Maryjane Cancel reply