
Ni NOEL ABUEL
May maaasahang maraming investments na magdudulot ng paglago ng ekonomiya ng bansa at mas maraming trabaho ang mapapakinabangan ng mga Filipino ang dala ng pagtungo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Estados Unidos.
Ito ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kung saan dahil sa sipag aniya ni Pangulong Marcos ay nagdulot ito ng maraming investments.
Kasunod ng serye ng pakikipag-ugnayan ni Pangulong Marcos at ng kanyang delegasyon, na kinabibilangan ni Speaker Romualdez, na ginanap sa Washington D.C. kasama ang iba’t ibang nangungunang kumpanya ng US sa ikatlong araw ng kanyang opisyal na pagbisita sa US.
“It is heartening to note that the President’s mission to the US has scored significant gains that would not only spur further economic growth but more importantly, result in direct benefits for thousands of Filipino workers in terms of job created,” sabi ni Romualdez.
“The Philippines has a lot to offer foreign investors, including a young and growing workforce, a strategic location, and a favorable business environment. I am confident that Pres. Marcos, Jr. will continue to attract more foreign investment to our country, which will help us achieve our goal of inclusive growth,” dagdag nito.
Inihalimbawa nito ang pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Carnival Corp. na nangakong kukuha ng mahigit sa 75,000 Filipino seafarers sa loob ng tatlong taon.
Ang Padget, na kinakatawan ang Carnival Cruise Line, Holland American Airlines and Seaborn, pinuri ng mga ito ang mga Filipino workers dahil sa pagiging masipag sa trabaho.
Nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng business process outsourcing (BPO) firm Atento na nagsabing magtatayo ng kauna-unahang call center sa Pilipinas partikular sa Iloilo Business Park sa Mandurriao district, Iloilo City.
Pinasalamatan ng Pangulo si Atento president Fili Ledezma Soto at Chief Delivery Officer Josh Ashby na nagsabing hindi ito nagkamali sa pagkuha sa mga Filipino workers dahil sa magaling sa pagsasalita at pagsusulat ng English.
Para sa unang taon ng operasyon nito sa Pilipinas, ang Atento ay inaasahang magbibigay ng mga oportunidad sa trabaho para sa humigit-kumulang 554 manggagawa at 665 na manggagawa sa ikalawang taon, na magdadala ng malaking pamumuhunan na P21.4 milyon.
Nakipagpulong din si Pangulong Marcos at ang kanyang delegasyon sa American healthcare services provider na Optum na nakatakdang mamuhunan ng humigit-kumulang P800 milyon sa medical business process outsourcing (BPO) sa Pilipinas na magbibigay ng humigit-kumulang 1,500 trabaho para sa mga Pinoy.