
Ni NERIO AGUAS
Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 10 kababaihang Pinay na nagtangkang lumabas ng bansa patungong Singapore para magtrabaho bilang sex workers.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco ang nasabing mga Pinay ay may edad 20 hanggang 30-anyos, ay naharang bago pa makasakay ng Cebu Pacific flight patungong Singapore.
“We received information earlier this month from the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) that these women were being trafficked abroad and were recruited as entertainers, but will end up as sex workers,” sabi ni Tansingco.
Sinabi nito na nang matanggap ang impormasyon ay agad na isinama ang grupo sa kanilang monitoring records para ma-intercept ang mga Pinay.
Ibinahagi ni Tansingco na matapos matanggap ang impormasyon mula sa IACAT, nakatanggap din ito ng impormasyon mula sa opisina ni Senador Risa Hontiveros sa mga nasabing mga kababaihan.
Sa interogasyon, sinabi ng mga babae na bibiyahe ang mga ito bilang mga turista gayunpaman, sa patuloy na pagsisiyasat sa kanilang mga rekord ay natuklasan na valid na working permit bilang mga entertainer sa Singapore.
Sinasabing ni-recruit ang mga ito sa pamamagitan ng Facebook messenger para magtrabaho sa isang club sa Singapore kung saan pinangakuan na tatanggap ng sahod na P40,000 kada buwan.
“This is a clear example of debt bondage—a tactic in trafficking—wherein they are made to pay the expenses for the recruitment. These expenses pile up, and they end up being forced to work to pay their debt,” sabi nito.
