
Ni NOEL ABUEL
Isinusulong ng isang kongresista ang pagkakaloob ng dagdag na annual World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) sa mga public school teachers sa buong bansa.
Sa inihaing House Bill No. 7840 ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. mula sa kasalukuyang P1,000 ay gagawing P3,000 na ang WTDIB.
“Our bill merely seeks to augment the value of the WTDIB and make permanent via legislation the grant of the incentive benefit,” sabi ni Campos, vice chair ng House appropriations committee.
Iginiit ni Campos ang itinatakda ng 1987 Constitution for the State, na “to ensure that teaching will attract and retain its rightful share of the best available talents through adequate renumeration and other means of job satisfaction and fulfillment.”
Ang incentive benefit ay kasalukuyang binabayaran sa mga guro tuwing Oktubre 5, na ipinagdiriwang taun-taon bilang World Teachers’ Day bilang pagpupugay sa mga nagtatrabaho sa propesyon ng pagtuturo.
Unang natanggap ng mga guro ng pampublikong paaralan ang WTDIB apat na taon na ang nakararaan, nang ipasok ng Kongreso ang incentive benefit bilang item sa 2019 national budget na may paunang pondo na P800 milyon.
At ngayong taon, ang incentive benefit ay may pondong P900 milyon sa 2023 General Appropriations Law.
Sinabi pa ni Campos na simula noong 2019 nang pondohan ng Kongreso ng P4.4 bilyon ang WTDIB.
