Publiko pinag-iingat sa pekeng CFO certificates

Ni NERIO AGUAS

Pinag-iingat ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko partikular sa mga nais bumiyahe palabas ng bansa laban sa nagkalat na pekeng Commission on Filipinos Overseas (CFO) Guidance and Counseling Program (GCP) certificates na ibinebenta ng mga scammers.

Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala kasunod ng pagkakasagip sa dalawang Pinay na nakuhanan ng pekeng GCP certifications sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang GCP ay isang kinakailangang pre-departure seminar na isinagawa ng CFO na naglalayong bigyan ng sapat na impormasyon ang mga Filipino sa intermarriages at bi-national na relasyon sa mga reyalidad ng kultura at panlipunang reyalidad sa ibang bansa.

Nabatid na ang mga biktima na nagtangkang umalis ng bansa sa dalawang magkahiwalay na okasyon, ay naharang ng BI personnel matapos maghinala sa pagiging tunay ng mga dokumentong kanilang ipinakita.

Lalo pang nagduda ang BI na peke ito nang hindi rin naipakita ng dalawang babaeng biktima ang opisyal na digital copy ng certificate na inisyu umano ng CFO.

Ayon sa BI, isa sa biktima, na dapat ay umalis ng bansa noong Abril 30 kasama ang kanyang Indian boyfriend, ang nagbunyag na nakuha nito ang pekeng sertipikasyon mula sa isang estranghero na lumapit sa kanya malapit sa opisina ng CFO sa halagang P2,000.

Habang ang isa pang biktima, na kasintahan ng isang Hong Kong national ay nagtangkang umalis noong Mayo 3, na gumamit ng tulong ng isang Ana na nakilala nito sa online, na binayaran niya ng P5,000 para sa pekeng CFO certificate.

Napatunayan na peke ang isinumite ng mga biktima nang kumpirmahin ito ng CFO officer na nakatalaga sa paliparan.

“The government imposed the pre-departure counseling services to deter trafficking in the guise of marriage and the mail-order bride scheme. This is also to ensure that migrating Filipinos know their available support network abroad in times of distress. Always verify the legitimacy of your transactions with authorized CFO agents only,” ayon sa BI chief.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s