
Ni NOEL ABUEL
Nakiramay si House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar sa pagpanaw ni Nueva Vizcaya Gov. Carlos Padilla.
“We deeply mourn the passing of a dedicated and inspiring leader in Gov. Padilla, who demonstrated unwavering commitment to promote the welfare of his countrymen,” ani Villar.
Bilang isa sa mga pinuno ng Nacionalista Party, sinabi ng lone district representative na nakikiisa rin ang kanyang pamilya sa mga opisyal at miyembro ng partido sa pag-alala kay Gov. Padilla.
“We continue to draw inspiration from his important contributions in public service – isinulong niya ang makabuluhang proyekto bilang kinatawan ng lone district ng Nueva Vizcaya at gobernador ng lalawigan sa loob ng maraming taon,” sabi pa ni Villar.
Si Padilla ay binawian ng buhay sa edad na 78, matapos atakehin sa puso noong nakalipas na araw ng Biyernes.
Nabatid na si Padilla, na nanalo sa reelection bilang gobernador noong 2016, at magsisilbi na sa ikatlong at huling termino nito.
Nagsimula ang political career nito bilang alkalde ng bayan ng Dupax del Norte bago nahati ito at naging Dupax del Sur at Alfonso Catañeda.
Nagsilbi rin si Padilla na kongresista ng Nueva Vizcaya kung saan naging deputy speaker at minority leader ito.