Villafuerte sa IATF: Tanggalin na ang eTravel sa inbound travellers

Rep. LRay Villafuerte

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan ang isang mambabatas sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na luwagan na ang eTravel registration requirement para sa mga papasok na international travellers upang mas maraming turista at prospective investors ang pumunta sa Pilipinas.

Sinabi ni National Unity Party (NUP) president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi na global public health emergency ang Covid-19 ay dapat na magluwag ang pamahalaan sa mga dumarating na turista sa bansa.

Iginiit pa ni Villafuerte ang kanyang panawagan sa IATF na tanggalin na ang mahigpit na health protocols na ipinataw ng karamihan sa pamahalaan tatlong taon na ang nakararaan upang suriin ang pagkalat ng nakamamatay na coronavirus, kasunod ng deklarasyon ng WHO noong Mayo 5 na ang Covid-19 pandemic ay hindi na isang public health emergency of international concern (PHEIC).

“With WHO declaring that the period of Covid-19 as a PHEIC is already over and that the switch to the long-term management of the coronavirus must now be the priority, there is all the more reason for the IATF to get rid of the eTravel requirement imposed on inbound travellers, as a way to further entice tourists and prospective investors to come to the Philippines as our country transitions fully to the post-pandemic ‘new normal,” sabi pa ni Villafuerte.

Sinabi pa ng kongresista na ang pag-alis sa nakakapagod, nakakaubos ng oras na proseso ng pagpaparehistro ng eTravel ay higit na makakumbinsi sa international community na ang domestic economy ng bansa ay ganap nang bukas para sa negosyo at mahikayat ang mas maraming international tourist na pumunta sa Pilipinas.

Sa kabilang banda, nanawagan si Villafuerte sa mga Pilipino na manatiling nakabantay laban sa Covid-19 at patuloy na sumunod sa mga minimum public health standards tulad ng physical distancing at mask-fearing, lalo na sa mga high-risk areas para sa mga matatanda, immunocompromised na mga indibidwal at ang mga may malalang sakit.

Sinabi ni Villafuerte na ang pag-alis sa eTravel requirements ay hindi inaasahang magpapalaki ng mga Covid-19 infections dahil naniniwala ang Department of Health (DOH) at mga pribadong eksperto sa kalusugan na sa kabila ng kasalukuyang pagtaas ng positivity rate ng virus na ito, mayroong walang dahilan para mag-panic dahil sa mababang rate ng healthcare utilization rate (HCUR), na siyang mas kritikal na pamantayan.

Leave a comment