
Ni NOEL ABUEL
Umapela si Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto sa kanyang mga dating kasamahan sa “mas maliit na Kapulungan” na ipasa ang panukalang batas na magpapalawig sa estate tax amnesty period sa loob ng dalawang taon.
Aniya, naniniwala ito na ang maipapasa ng mga dating kaklase nito ang isang simpleng panukalang batas na hindi na kailangang maghintay para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent.
Sa ilalim ng estate tax amnesty law, ang panahon para makuha ang benepisyo ay magtatapos sa Hunyo 14.
Umaasa si Recto na mapapalawig ito sa kadahilanang sa lehislatura, ang isang buwan ay maituturing na pangmatagalan, kung kaya’t kakayanin itong maipasa.
“Although tax bills originate from the House, the Senate, in anticipation of House action, can start tackling the bill, so that when the House bill arrives, the Senate version is now primed for floor debates,” sabi nito.
Ang panukalang batas na naglilipat sa deadline ng estate tax amnesty sa Hunyo 14, 2025 ay humadlang sa House Ways and Means Committee.
“This paves the way for plenary debates, whose outcome, its passage, is a certainty,” dagdag nito.
Noong naging senador, si Recto ay kabilang sa may akda ng Republic Act 11213 na nagbubura sa mga multa at pagbabawas sa rates ng estate tax obligations.
Gayunpaman, ang panahon para magamit ang isang beses na tax relief ay sumabay sa pandemya, na nag-udyok sa Kongreso na ipasa ang magiging RA 11569 na nagpalawig ng amnesty period ng dalawang taon, hanggang Hunyo 14, 2023.
Ayon pa kay Recto, sa pamamagitan ng pagpapahaba muli ng pagkakataon sa loob ng dalawang taon, ang mga pamilya ay makakatipid ng bilyun-bilyon habang ang gobyerno ay kikita rin ng bilyun-bilyon.
“Halimbawa, ‘yung lumang batas aabot ng 20 percent ang tax. At present, 6 percent na lang. ‘Yung lumang batas, kuripot sa exemptions. Ngayon, kung ang family home ay P10 million, deducted ‘yan sa bubuwisan, at may dagdag na P5 million standard deduction. Kung walang extension, hindi ito mapapakinabangan ng mga namatayan,” paliwanag pa ni Recto.
Sinabi pa nito na ang extension ay isang “lifeline sa isang gobyerno na naghahanap ng kita at isang gawa ng kabaitan sa mga nakatatanda na ang kahinaan ng loob ng 30 buwan na sumiklab ang pandemya ay humadlang sa kanila na makatanggap ng amnestiya.
“Marami sa ating mga kababayang nasa ibang bansa na nais sanang ayusin ang namanang ari-arian ang hindi makauwi dahil sa matagal at mahigpit na lockdown. Putting a deceased loved one’s properties in order was also a casualty of Covid,” ani Recto.