2 Pinay nasagip sa human trafficking syndicate–BI

Ni NERIO AGUAS

Tuluy-tuloy ang pagkakasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga biktima ng human trafficking na pawang mga Pinoy.

Pinakahuli sa nasagip ng BI ang dalawang Pinay na patungo sana sa bansang Malta kung hindi agad natukoy ng mga BI personnel na biktima ng human trafficking.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nagkunwang magkaibigan ang mga biktima na nagsabing magtutungo sa Bangkok para mamasyal.

Nabatid na Abril 29 nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 at patungo sa Bangkok.

Sinasabing ideneklara ng mga biktima na apat na araw ang mga itong magbabalasyon kung saan nagpakita ang mga ito ng pruweba na may trabaho sa isang dental clinics sa bansa.

Ngunit sa masusing pag-uusisa, inamin din ng dalawang babaeng biktima na ang final destination nito ay sa Malta at ang mga dokumentong hawak ng mga ito ay ibinigay lamang sa labas ng NAIA sa mismong araw ng alis ng mga ito.

“Both women later admitted during secondary inspection that their final destination is Malta and that their documents were only handed to them by an unknown person that same morning outside the airport,” ani Tansingso.

Napag-alaman lamang ng mga biktima na ang hawak ng mga itong employment visas ay patungo sa Malta at nauna nang kinansela ang bago pa makaalis ang mga ito.

Pahayag pa ng mga biktima, inutusan ang mga ito ng kanilang recruiter na hintayin ang iba pa nilang travel documents pagdating sa Bangkok.

“We call on the public to exercise caution in dealing with recruiters. Several investigations have shown exploitation of domestic and foreign victims in the Mediterranean, and this has long been a cause of concern,” apela ni Tansingco.

Sinabi pa ng BI na ang Malta ang itinuturing na hotspot ng human trafficking ng mga Pinoy.

“The BI understands being enticed by greener pastures abroad, but by not going through the correct process, aspiring migrant workers risk getting abused overseas,” dagdag nito.

Samantala, ang mga biktima ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanilang mga recruiters.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s