
Ni NOEL ABUEL
Isinusulong ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagsasaayos ng survivorship benefits para sa mga lehitimong pamilya ng namatay na retiradong chairperson, at commissioner o labor arbiter ng National Labor Relations Commission (NLRC).
Sa inihain nitong Senate Bill No. 2110, ipinaliwanag ni Go ang pangangailangang magbigay ng suporta at tulong sa mga pamilya ng mga opisyal ng NLRC na pumanaw habang nasa serbisyo.
Kinilala aniya nito ang kanilang napakahalagang kontribusyon sa mandato ng ahensya na tiyakin ang mahusay at epektibong paghahatid ng hustisya sa paggawa.
“NLRC officials play a vital role in ensuring that labor disputes are resolved promptly and fairly, which is essential in maintaining harmonious labor-management relations in the country,” sabi ni Go.
“They often sacrifice personal time and resources to efficiently perform their duties, and their contributions to the agency should be recognized and appreciated,” dagdag pa nito.
Ang NLRC na quasi-judicial body at attach agency ng Department of Labor and Employment (DOLE) tungkulin nito na itaguyod at pagpapanatili ng kapayapaang pang-industriya sa pamamagitan ng paglutas sa mga alitan sa paggawa at pamamahala na kinasasangkutan ng mga manggagawa.
Sa kasalukuyan, sa ilalim ng Republic Act No. 9437, ang mga miyembro ng judiciary at kanilang beneficiaries ay pinagkakalooban ng karagdagang retirement and survivorship benefits.
Samantala, ang chairperson, commissioners at labor arbiters ng NLRC ay hindi cover ng anumang dagdag na retirement at survivorship benefits.
Sakaling maging batas, magbibigay ito ng karapatan sa nabubuhay na lehitimong asawa at mga umaasang anak ng namatay na tagapangulo, komisyoner o labor arbiter ng NLRC, na nagretiro, o naging karapat-dapat para sa opsyonal na pagreretiro sa oras ng kamatayan, na tumanggap, sa buwanang batayan, lahat ng mga benepisyo sa pagreretiro na matatanggap sana ng namatay sa oras ng pagkamatay.
“Dependent children” refers to a legitimate, illegitimate or legally adopted child who is chiefly dependent on the said deceased chairperson, commissioner or labor arbiter, if such dependent is not more than 21 years of age, unmarried and not gainfully employed, or if such dependent, regardless of age, is incapable of self-support because of any mental or physical defect or condition,” ayon dito.
Samantala, ang nabubuhay na lehitimong asawa ay dapat patuloy na makatanggap ng retirement benefits hanggang sa kamatayan o muling pag-aasawa ng nasabing nabubuhay na asawa, sa kondisyon na ang nabubuhay na asawa at mga anak na umaasa ay dapat magkaparehong magbahagi ng mga retirement benefits.
Binigyan-diin noon ni Go ang kahalagahan ng pagkilala sa mga sakripisyo at dedikasyon ng mga opisyal ng NLRC.
Idinagdag pa nito na ang kanilang trabaho ay madalas na demanding at mapaghamon at ang kanilang serbisyo sa publiko ay dapat pahalagahan at parangalan.
“It is very much essential for the government to provide survivorship benefits to the legitimate family of deceased NLRC officials as part of our way to recognize their contribution to the agency,” giit ni Go.
