Senior high school curriculum repasuhin — solon

NI NOEL ABUEL

Pinarerepaso ni Senador Win Gatchalian ang senior high school curriculum at tiyakin ang maayos na transition ng K-12 graduates.

Ayon sa senador, dapat na maging maigting na ugnayan sa pagitan ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang repasuhin ang senior high school program.

Nais ni Gatchalian na gawing bahagi ng inihain nitong Batang Magaling Act (2022) ang isang mekanismo ng pag-aaral sa pagitan ng tatlong ahensya.

Sa ilalim ng panukalang batas, paiigtingin ang ugnayan sa pagitan ng DepEd, local government units (LGUs), mga paaralan, at mga katuwang mula sa pribadong sektor upang tugunan ang mismatch sa pagitan ng K to 12 graduates at ang mga kailangan o demand ng labor market.

“Maaari nating gawing bahagi ng panukalang batas ang mekanismo upang pag-aralan ng tatlong ahensya ang senior high school curriculum. Maaari nating gawing mas maigting ang pag-aaral at gawing mas madalas ang mga pagpupulong, at gamitin ang mga resulta ng pag-aaral upang magabayan tayong mga policymakers,” ani Gatchalian.

Tinukoy nito ang ilan sa mga hamong kinakaharap ng mga senior high school graduates sa pagpasok sa kolehiyo ngunit nahihirapan sa kanilang pagpasok. Ayon sa isang tracer study ng DepEd, kabilang sa mga hamong kinakaharap ng mga senior high school graduates na pumapasok sa kolehiyo ang hindi pag-credit sa kanilang mga subjects.

Upang matugunan ang mga hamong ito, may ilang mga pamantasan at kolehiyo na nagpapatupad ng mga bridging program subalit dagdag gastos naman ito sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.

Sabi ni Gatchalian, lumalabas na bagama’t 80% ng mga senior high school graduates ang nagpapatuloy sa kolehiyo, hindi pa rin handa ang mga ito. Taliwas ito sa pangako ng K to 12 na gawing handa para sa trabaho at kolehiyo ang mga nagtapos nito.

Pinuna rin ng chairperson ng Senate Committee on Basic Education na hindi lahat ng mga kursong inaalok ng DepEd ay may accreditation mula sa TESDA.

Ani Gatchalian, nagiging dead end ito para sa mga kumuha ng Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track na hindi nakakakuha ng certification. Isang malaking balakid, aniya, sa paghahanap nila ng trabaho.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s