Roll back sa presyo ng produktong petrolyo

NI KAREN SAN MIGUEL

Magandang balita para sa mga driver at operators ng mga pampubliko at pribadong sasakyan ang nakatakdang pagbabawas sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon sa ulat, ngayong araw ng Martes, may ibabawas na P2.20 kada litro sa presyo ng gasolina, diesel  ay P2.70 kada litro at P2.55 na bawas sa kerosene ang mga kumpanya ng langis.

to ang ikalawang linggong nagbawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis matapos ang sunud-sunod na pagdadagdag ng presyo nito.

Noong nakaraang linggo, nag-rollback sa presyo ng gasolina ng P1.50, diesel ay P1.30 at kerosene ay P1.40.

Sa hiwalay na advisories na inilabas ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. at Petro Gazz, ipapatupad ang bawas presyo ng produktong petrolyo gana na alas-6:00 ng Martes ng umaga.

Leave a comment