5 illegal aliens kalaboso ng BI

Ni NERIO AGUAS

Limang illegal aliens ang dinakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa magkakahiwalay ng lugar sa bansa dahil sa paglabag sa itinatadhana ng Immigration Law.

Ayon kay BI intelligence division, chief Fortunato Manahan Jr. kabilang sa mga dayuhan na nadakip ay isang US nationals, 2 Indians, isang Pakistani at isang Vietnamese.

Sinabi ni Manahan na noong nakalipas na Abril 28, naaresto ng mga tauhan nito ang American national na nakilalang si Victor Florendo Carpiso, 63-anyos, sa Baguio City.

Sa imbestigasyon, si Carpiso ay overstaying na sa bansa kung saan 2013 nang dumating ito sa bansa at mula noon ay hindi na umalis pa ng Pilipinas.

Samantala, Mayo 2, nang magsagawa ng operasyon ang BI intelligence unit laban sa isang Indian national na si Tejinder Singh, 41-anyos, sa Calbayog City, Samar dahil sa pagkakaroon nito ng residence visa na pawang illegal na nakuha nito.

Arestado rin ang isa pang Indian na si Prakash Raj Ramara, 26-anyos, sa Brgy. Sagpon, in Legazpi, Albay na overstaying na rin sa bansa.

Nabatid na nagawa ni Singh na makakuha ng working visa sa BI sa pamamagitan ng panloloko at misrepresentation ng kumpanya na umano’y pinapasukan nito na natuklasang hindi totoo.

At noong Mayo 4, nadakip ng Regional intelligence agents ang Pakistani national na si Saleem Khan, 29-anyos, sa Agoo, La Union at overstaying na sa bansa.

Sinabi pa ni Manahan na huling nadakip ang Vietnamese national na si Tran Van Thung, 26-anyos, na naaktuhang nagbebenta ng retail goods sa UV Express Terminal di kalayuan sa SM North mall.

Ang 5 dayuhan ay nahaharap sa deportation charges at nakatakdang ipatapon pabalik ng kani-kanilang bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s