Pagbuo ng ‘superbody’ ipinanawagan sa epekto ng AI

Rep. Robert Ace Barbers

Ni NOEL ABUEL

Hinikayat ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mga kapwa nito mambabatas na pabilisin ang pagsasabatas na lumilikha ng isang “superbody” upang protektahan ang publiko mula sa mga panganib dulot ng umuusbong na global technological phenomenon na tinatawag na Artificial Intelligence (AI).

Sinabi ni Barbers, chairman ng House Dangerous Drugs Committee, na ang panawagan nito ay bunsod ng pagbubulgar ni Geoffrey Hinton, isang dating engineer ng Google at tinaguriang ‘Godfather of AI,’ na ang makabagong teknolohiya na siya mismo ang tumulong sa pagbuo ay nagdulot ng panganib sa lipunan at sangkatauhan.

“The ‘AI Godfather’ himself, Geoffrey Hinton, had been quoted in news reports as saying ‘AI could kill humans and there might be no way to stop it.’ This is aside from alarms raised by advocacy groups and tech insiders that the new crop of AI-powered chatbots could be used to spread misinformation and displace jobs,” giit ng kongresista.

Ani Barbers, base sa mga ulat, ang atensyon sa paligid ng ChatGPT noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nakatulong sa pag-renew ng pakikipaglaban sa mga tech companies upang bumuo at mag-deploy ng mga katulad na kagamitan sa kanilang mga produkto.

“And based on reports, OpenAI, Microsoft and Google are at the forefront of this trend, but IBM, Amazon, Baidu and Tencent are working on similar technologies,” ayon dito.

“I don’t want to sound like an alarmist. But we have no way of stopping the global use and development of AI. And while we acknowledge the benefits that AI might bring, we should also seriously consider the great risks and dangers it poses to society and humanity,” sabi pa ni Barbers.

Sa unang bahagi ng taong ito, naghain ang kongresista mula sa Mindanao ng panukalang batas na naglalayong lumikha ng isang ahensya na tinatawag na Artificial Intelligence Development Authority (AIDA), isang “superbody” na magsasagawa ng mga gawain, tungkulin at responsibilidad sa pagbuo at pagpapatupad ng national AI strategy.

Sa “An Act Promoting the Development and Regulation of AI in the Philippines”, layon nito na matugunan ng posibleng mga potensyal na panganib at hamon sa pamamagitan ng pagbibigay ng komprehensibong balangkas para sa pagpapaunlad at regulasyon ng AI sa bansa.

“While the Philippines recognizes the importance of AI in the development of the country, the rapid phase of technological advancement in AI also poses risks and challenges that must be addressed to ensure that its benefits are maximized, and its negative impacts are minimized, if not avoided,” aniya pa.

Sinabi ni Barbers na habang tinitingnan ng maraming Pilipino ang positibong potensyal ng AI, dapat ay mayroong isang ahensya na magsisilbing “watchdog” upang bantayan ang mga abusadong indibidwal na samantalahin o gagamitin ito para sa kanilang makasarili o kriminal na layunin.

“Nuoong nauso ang Internet at naglabasan at iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook, Messenger, Viber, Instagram, at iba pa, ginamit din ito ng mga masasamang loob para maglikha ng iba’t ibang uri ng criminal schemes tulad ng financial scams, drug trafficking at extortion. Sa paglabas ng bagong teknolohiya na AI, tiyak din na may mga tao na gagamitin ito sa kasamaan,” paliwanag pa ni Barbers.

Ayon pa sa mambabatas mula sa Surigao del Norte, ang mga bansa tulad ng United States, Japan, Taiwan at Singapore, ay nagpatupad ng mga batas o naglabas ng executive fiats upang isulong ang paggamit ng AI, at kasabay nito ay tiniyak na protektado ang kanilang mga mamamayan mula sa mga indibidwal na gumagamit ng mga criminal scheme gamit ang AI transformative technology.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s