China inilutang na may kinalaman sa power outrage sa NAIA

Rep. Dan Fernandez

Inilutang ng isang kongresita na posibleng may kinalaman ang China sa nangyaring mga power outages na nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 1 at Mayo 1 ng kasalukuyang taon.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Sta Rosa City Rep. Dan Fernandez, na hindi malayong may kinalaman ang mga opisyales ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na ang ilan ay pawang mga Chinese na nagmamando sa nasabing ahensya.

Sa ipinakita nitong dokumento, tinukoy nito ang pangalang Liu Xinhua, chairman of Board Audit Committee at isang Wen Bo, chief technical officer at technical person ng NGCP kung saan ang mga ito umano ang naglalagay ng mga tauhan.

Aniya, ang NGCP ang gumagawa, nag-i-install, nagmamantine, at nag-operate sa halos lahat ng power grid ng bansa at 40% ng NGCP ay pag-aari ng Grid Corporation of China.

Tinukoy rin ng kongresista na ang nangyaring dalawang power outages sa NAIA ay bunsod ng maayos na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Inihalimbawa nito ang nakalipas na pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris noong nakalipas na Nobyembre ng nakalipas na taon.

Gayundin ang pagdating ng US Fleet noong Marso 22 sa Manila Bay kung saan sunud-sunod na nagkaroon din ng joint military exercises, military drills, at pagpapalawig  ng Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA).

 Iginiit ni Fernandez ito umano ang posibleng dahilan na ikinagalit ng China kung kaya’t ang  nangyaring power outrage sa NAIA ay hindi maisasantabi.

Dagdag pa ni Fernandez dapat na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil dito upang malaman kung ano ang tunay na dahilan ng power outrage.

Leave a comment