Surigao del Norte at Batanes nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang Surigao del Norte ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-12:34 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.2 na lindol base sa richer scale.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 041 km hilagang silangan ng Burgos, Surigao Del Norte at may lalim na 008 km at tectonic ang origin.

Wala namang naitala ng epekto sa mga residente ng nasabing lugar ang lindol at wala na ring inaasahan pang masusundan ito ng aftershocks.

Samantala, niyanig din ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Batanes ngayong araw.

Ganap na alas-5:25 ng madaling-araw nang tumama ang lindol na natukoy ang sentro sa layong  118 km hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.

May lalim itong 015 at tectonic ang origin.

Wala ring inaahang aftershocks sa mga susunod na araw at wala ring naitalang danyos ang nasabing lindol.  

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s