Wanted na American national arestado ng BI sa Zambales

Ni NERIO AGUAS

Bumagsak na sa kamay ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na matagal nang wanted sa Estados Unidos dahil sa kasong may kinalaman sa sex crimes.

Kinilala ni  Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nadakip na dayuhan na si Eduardo Rojas Minas, 60-anyos, na nadakip sa Sta. Cruz, Zambales ng mga tauhan ng  fugitive search unit (FSU) ng ahensya.

Sinabi ni Tansingco na si Minas ay nasa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) simula pa noong Nobyembre 2006 kung saan may warrant of arrest na inilabas ang Justice Court sa Las Vegas township, Clark County Nevada laban dito.

Nabatid na nagawang makatakas ni Minas sa FBI kung saan agad na lumipad ito sa Pilipinas para magtago at simula noong ay hindi na umalis at tuluyang magtago sa bansa.

Base sa impormasyon mula sa US authorities sa Manila, sinabi ni BI-FSU acting chief Renell Ryan Sy na si Minas ay kinasuhan sa Nevada court ng dalawang kaso ng sexual assault at dalawang kaso ng statutory sexual seduction.

“He will thus be deported for overstaying and being an undesirable and undocumented alien. He no longer holds a valid passport since it already expired in Jan. 2013 and was not renewed,” sabi ni Tansingco kasabay ng pagsasabing hindi na muli pa itong makakapasok sa Pilipinas.

Kasalukuyang nakadetine sa BI holding facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang dayuhan habang inihahanda ang dokumento para sa pagpapatapon palabas ng bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s