Fake marriage ginagamit na ng human traffickers –BI

NI NERIO AGUAS

Ibinunyag ng Bureau of Immigration (BI) ang estilong ginagamit ngayon ng mga human traffickers na fake marriage para makapambiktima ng mga Filipino.

Ito ay matapos na isang Pinay ang naharang at nasagip ng BI na nagtangkang umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sinasabing pupuntahan nito ang asawang Chinese sa bansang Cambodia.

Sa ulat na tinanggap ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ng BI travel control and enforcement unit (TCEU) na ang biktima ay naharang noong  Mayo 14 sa NAIA Terminal 3 bago pa makasakay ng Air Asia flight patunging Kuala Lumpur en route sa final destination nitong Phom Penh, Cambodia.

Nabatid na nang dumaan sa immigration counter ang nagduda ang tauhan ng TCEU na  peke ang ipinakitang certificate of marriage ng biktima sa sinasabing Chinese na asawa umano.

Nang sumailalim sa pagsisiyasat at pag-iimbestiga sa biktima ay lalong nagduda na biktima ito ng human trafficking dahil sa hindi maayos na paliwanag nito at magkakaibang pahayag.

Sa huli ay umamin ang biktim na isang fixer, na nagpakilalang abogado, ang nagsaayos ng travel documents nito kung saan nagbayad ito ng P35,000 para sa marriage contract na isang coffee shop sa Manila.

“We commend our officers at the airport for a job well done.  This ploy of using fake marriages to foreigners to sidestep our strict departure inspection formalities is an old trick that will no longer work.   We warn the public against allowing themselves to be lured by such scheme,” sabi  ni Tansingco.

Leave a comment