Nasa likod ng onion cartel kasuhan — Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na ituloy ang mga natuklasan ng House probe sa umano’y onion cartel at magsampa ng kaukulang kaso upang wakasan ang kanilang iligal na gawain na nagdudulot ng pahirap sa mamamayang Pilipino.

Ginawa ng lider ng Kamara ang panawagan matapos pangalanan ni Marikina City 2nd District Rep. Stella Luz Quimbo ang magkakaugnay na mga personalidad at mga negosyonte na sangkot sa kalakalan ng sibuyas na isang kartel.

“I call on the concerned authorities like the National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Competition Commission (PCC) at Department of Agriculture (DA) na magtulungan upang puksain ang kartel na ito at iligtas ang amga tao mula sa higit pang pagdurusa dulot ng kanilang mga walang prinsipyong gawi sa kalakalan,” sabi ni Speaker Romualdez.

“The extensive hearings conducted by the House have already provided good leads which our authorities can follow to build an air tight case and prosecute those involved,” dagdag nito.

Binanggit din ni Romualdez na ang mga hindi patas na gawi sa kalakalan ay maaaring kasuhan sa ilalim ng Philippine Competition Act (PCA), na nagpaparusa sa mga negosyong napatunayang nakikibahagi sa mga anti-competitive agreement na may multang hanggang P100 milyon, at pagkakulong ng hanggang 7 taon.

Maaari ring triplehin ang multa kung ang kalakalan ng mga pangunahing pangangailangan, kabilang ang mga produktong pang-agrikultura na tinukoy ng Price Act.

Sinabi ni Romualdez na ang Kamara ay nananatiling nakatuon sa tungkulin na protektahan ang mga mamamayan laban sa mga hindi patas na gawi sa kalakalan tulad ng pandaraya sa presyo ng sibuyas at iba pang produktong pang-agrikultura.

“The Filipino people deserve to have access to affordable food. We will not rest until we achieve this goal,” giit nito.

Magugunitang nang tumaas ang presyo ng sibuyas sa mahigit P700 kada kilo noong Disyembre noong nakaraang taon, nanawagan si Romualdez na magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso upang matugunan ang nasabing isyu.

Samantala, pinuri rin ni Romualdez si Quimbo sa kanyang masipag na trabaho na humantong sa pagbubulgar sa onion cartel key players, gayundin ang Committee on Agriculture and Food na nagsagawa ng congressional investigation.

“Rep. Quimbo lived up to her name and did a stellar job. Her expose is major step forward in our efforts to bring down the prices of this essential commodity. But credit must also be given to the Committee on Agriculture and Food, led Chairman and Quezon 1st District Rep. Wilfredo Mark Enverga, for its persistence in the effort to get into the bottom of this controversy,” pahayag pa nito.

Sa kanyang pahayag, binanggit ni Quimbo si Lilia o Leah Cruz bilang “Reyna ng Sibuyas” na nasa sentro ng kanyang onion cartel theory, gayundin ang Philippine VIEVA Group of Companies (PhilVIEVA) at mga kaalyadong kumpanya nito.

“Sa madaling salita, hawak sa leeg ng PhilVIEVA ang buong supply chain mula umpisa, which is farming hanggang dulo which is retail,” sabi ni Quimbo.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s