Pagsusuot ng body-worn cams gawing mandatory — solon

NI NOEL ABUEL

Inihain ni Senador Raffy Tulfo ang panukalang batas na nag-oobliga sa mga operatiba na magsuot ng body-worn cameras sa special police operations at iba pang aktibidad para mas palakasin ang kalidad ng ebidensya sa anumang operasyon at siguraduhin ang transparency nito.

Sa Senate Bill (SB) No. 2199 o “Body-worn Camera Act” ni Tulfo, ang body worn camera ay gagamitin sa law enforcement ops tulad ng paghahain ng warrants of arrest, pagpapatupad ng mga search warrant, pagpapatupad ng visitorial powers ng Chief Philippine National Police at mga unit commander, at operasyon kontra ilegal na droga.

“This law will provide for an effective law enforcement operation – from investigation, apprehension, detention, and prosecution by utilizing sound and modern procedure in crime investigation,” nakasaad sa panukalang batas.

Ayon kay Tulfo, mayroon dapat minimum standard requirement ang mga body-worn camera, partikular na ang mga 720p o mas mataas na video resolution; built-in na frame rate, audio, petsa at time-stamping, at GPS; walong oras na tuloy-tuloy na buhay ng baterya; kakayahang mag-imbak ng walong oras na tuloy-tuloy na audio-video footage; at may built-in na night mode.

Sa pagsusumite ng panukalang batas, sinabi ni Tulfo na ang mga alagad ng batas ay may mandato na magsuot at i-activate ang body-worn camera upang makuha at maitala ang buong pagsasagawa ng operasyon sa panahon ng pagpapatupad nito.

Dagdag nito, ang body-worn camera ay dapat mag-record ng buo sa lahat ng mga aktibidad na nauugnay sa pagsasagawa ng operasyon at hindi ito dapat i-deactivate hangga’t hindi natatapos ang operasyon at umalis ang mga alagad ng batas sa lugar ng operasyon.

Sa nakaraang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni Tulfo na walang operatiba dapat ang magsasagawa ng isang anti-drug operation nang walang body cam.

Sa ganitong paraan din aniya ay mapipigilan ang mga pang-aabuso at iba pang posibleng human rights violation ng mga tiwaling pulis.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s