Talamak na fixer ng driving school sa Laguna

UNA, gusto nating magpasalamat sa ating Panginoon Hesus dahil binigyan niya tayo ng ikalawang buhay nang atakihin tayo ng ‘aneurysm’ noong April 18. 

Baka may ibang misyon pa po tayo kaya binigyan-tayo ng ikalawang buhay ng Mabuting Diyos.

Ikalawa, gusto kong pasalamatan ang aking mga anak. Maraming salamat sa inyo mga anak ko. Nakita at naramdaman ko sa inyo ang pagmamahal, malasakit at pag-aaruga na ibinibigay sa akin noon ng Mommy n’yo na nasa Heaven na ngayon.

Anuman ang pagkukulang ko ay kayo na ang bahalang umunawa sa akin.

Ikatlong gusto kong pasalamatan ang mga kaibigan, kumpare, kakilala at kasamahan sa trabaho. Lalo na iyong mga nagpadala ng cash at mga ‘guarantee letter!’ Sobrang laking tulong nu’n. Hindi ko na po kayo iisa-isahin dahil baka may makalimutan pa ang inyong lingkod.

Kasama ko kayo lagi są panalangin na sana ay pagkalooban pa kayo ng masaganang biyaya dahil hindi kayo naging maramot na tumulong sa taong nangangailangan.

At siyempre, hindi ko maaaring kalimutan ang aking mga doktor, nurses at mga therapists sa Philippine General Hospital (PGH) sobrang thank you sa inyo mga ate at kuya!

Kung hindi sa inyo, malamang ay nasirang Jun David na po ako!

Muli, thank you very much to one and all and balik na naman po tayo sa ating trabaho ngayon!

*** 

Kasabay ng pagbibitiw ni Land Transportation Office (LTO) chief Jose Arturo Tugade ay nagkaroon ng kaunting balasahan sa mga regional offices ng naturang ahensiya.

Isinusulat ko ito’y wala pang kapalit si Tugade, ngunit ang hepe ngayon ng LTO-Region 4a ay bago na sa katauhan ng isang nagngangalang  Cupido Gerry D. Asuncion.

Pinalitan ni RD Asuncion si Atty. Noreen San Luis-Lutey na hindi pa natin alam kung ano ang bagong assignment niya sa LTO Central Office.

Sa puntong ito, buena-mano na kong mananagawan kay Sir Cupido Gerry Asuncion, sir.

Marami po tayong natatanggap na reklamo hinggil są talamak na bentahan ng ‘driving certificate’ mula sa Xavier Driving School sa mga bayan ng Biñan at San Pedro, Laguna.

Hindi ko sinasabing positibo agad ang mga sumbong na ganito kontra sa Xavier Driving School. 

Pero ‘consistent’ po ang mga nakararating na sumbong sa atin tungkol sa ‘non-appearance’ na isyuhan ng driving certificate. Kung minsan naman ay one-day training lang ang nangyayari tapos ipinapasa na umano agad nila ang estudyante, kapalit ng ibinabayad na halaga.

Tulad ng sinasabi ko, impormateng mapa-double check ito ni RD Asuncion dahil hindi malayong maging umpisa ito ng malaking trahedya o disgrasya, lalo’t hindi natuturuan ng tama ang mga bagong nais magkaroon ng driver’s license.

Upang maging makatotohanan ang reklamo, dapat ipahuli ng mga LTO sa Region 4a ang dalawang batikang fixers na may alias ng Zenzen at Balagbis.

Sila umano ang nanghihikayat na kaya nilang magbigay ng non-appearance na training certificate at agad nilang dinadala ang mga aplikante sa Xavier Driving School.

Ipinagmamalaki ng mga fixers na ito na kumpara nila ang isang mataas na opisyal sa LTO Region 4a at nasisiguro kong hindi si Asuncion iyon.

Hintayin natin ang tugon ng tanggapan ni RD Asuncion tungkol dito.

****

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 09157412674

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s